1 Month later...
Nasa parking lot palang ay makikita na ang mga kapwa ko estudyante, may ilan na tumatambay, nagkukwentuhan at bakas ang pagkagalak sa mga mata't ngiti ang saya dahil sa muling pagkikita-kita. Summer just end. And here we are, magsisimula na naman ang panibagong yugto ng buhay ko bilang isang senior high.
I saw Eliz with my other friends na nakaupo sa pick up ni Wali. Matapos maipark ang kotse ko ay kaagad na akong lumabas.
"Hey, girlfriend!" Tuwang-tuwa na sinalubong ako ni Eliz kasunod ang tatlo.
"Hey! Kanina pa kayo?" Naitanong ko matapos isa-isang nakipagbeso-beso sa kanila. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang tinginan ng lahat sa direksyon naming lima. Well, who wouldn't? Hindi sa pagmamayabang pero sikat kami sa university na 'to. Binigyang ngiti ko nalang ang mga ito at kumaway na labis naman na ikinasiya ng lahat.
"Just in time, babe. Ito kasing si Eliz," nakairap na ika ni Camren sa tabi ko habang nasa hawak na cellphone ang mga tingin nito.
Nagtatanong na tiningnan ko si Eliz. Mukha kasing bagot tong isa.
But she just mouthed me to leave her alone saka kumibit-balikat ito. Napailing naman ako. "Let's go?" Pag-aya ko sa kanila.
"Wait." But, Eliz suddenly stopped us.
May pagtatakang nilingon namin ito.
"I think they're here," abot-tenga ang ngiting saad nito na mas lalong ikinakunot-noo ko. Hindi ko maikakaila ang pangingislap na nababasa ko sa kanyang mga mata na tila ba may pananabik ang mga ito.
"Who?" Bigla akong na curious sa kakaibang ikinikilos nito. Sa mga nakalipas na linggo rin ay naging busy ito sa ibang bagay na lubos naman naming ikinataka. Eliz is what, become secretive this passed few days and I think nagsimula ito noong naging sila officially ni Ivan. Gosh. Ayokong mainis sa kaisipang nababalewala na niya kami dahil sa may boyfriend na siya.
"Ivan," tipid nitong sagot. Hindi ko naman mapigilan ang mapabuga at sa di malaman na dahilan ay nakaramdam na nga ako ng inis. "And his friends," dugtong nito.
"You mean, Bellie?" Pagkaklaro ko. Si Bellie lang naman ang alam kong kaibigan at laging kasa-kasama ng boyfriend nito dito sa school. Tho, he also has this so called friends na tinatawag ng mga kaibigan kong mamumundok dahil nga sa kabaduyan ng mga ito pumorma and only god knows kung ano ba talaga ang pinagkakaabalahan ng mga taong 'yon.
Alanganin itong umiling. "N-No. Actually, he has this..uhm new set of friends from Europe," ani ni Eliz.
"Whoa. Totoo ba yan?" Di makapaniwalang pag-imik ni Fallon.
"Yeah. The truth is, they're coming," anito.
"What do you mean they're coming?" Si Ren. Nakakunot pa rin ang noo nito ngunit sa pagkakataong to ay nasa kay Eliz na ang kanyang mga tingin. Maging sina Wali at Fallon na rin. And me of course.
"Well, dito kasi sila mag-aaral. And mag-i-stay-"
"Wait-- how did you know all of these?" Putol ni Ren dito. Pansin ko lang na kanina pa talaga hindi maganda ang timpla ng anyo nito. Yong tensyon na nararamdaman ko kanina ay biglang kumakapal. Oh, god! Sana naman mali ang hinala ko na may di pagkakaunawaan na namamagitan sa mga ito. Sa halip, tahimik na nakikinig at pinapanood ko na lamang ang mga ito.
"Ivan told me," sagot nito kasabay ng pagrolyo ng mga mata nito.
"Yeah. Whatever!" Pag-irap nung isa dito at muling itinuon ang atensyon sa hawak.
BINABASA MO ANG
LUNA (Girl×Girl) (COMPLETED)
Fantasy"Easy there, pup. You don't want to hurt your mate, do you?" A mysterious girl wearing with a cloak said. LUNA - Untamed Beast Short Story Race of Myths Series #2 Completed. •Fantasy •GirlxGirl •LGBT •ROM __ DISCLAIMER: This is a work of fiction. Na...