Ito ang rebelasyon.
Unang una sa lahat, kung narating mo itong huling bahagi ng Rosas at Kape ay lubos akong nagpapasalamat. Salamat dahil sinamahan mo akong maglakbay mula sa unang araw ng pagsulat ko ng tula ng pag-ibig hanggang sa huling mga tula.
Hindi ko rin inakalang makasusulat ako ng siyamnapu't limang tula sa loob ng siyamnapu't limang araw. Nagsilbi ko na itong talaarawan at paalala na hinding hindi ako magsasawang sumulat, maglahad at magtugma para sa sinisinta ko.
Kaya kung isa kang Binibini o kaya nama'y Ginoo na may iniibig, ipabasa mo sa kanya ito. Paibigin mo siya gamit ang 'yong modernong pag-iisip na may lakip na makaluma't klasikong busilak na pagsinta.
-
Marahil may ilang mapapaisip, magtataka kung bakit Rosas at Kape? Bakit siyamnapu't limang tula? Bakit Carmela? Bakit Binibini ko? Bakit pag-amin at pag-angkin? Bakit pinuno ko ng pag-ibig ang aklat ng ito?
Magbibigay ako ng isang pangungusap bilang sagot sa mga tanong na iyon.
Ang Rosas at Kape ay pustahan sa pagitan ng iniibig at sa muling pagkikita.
-
*Ang Rosas at Kape ay may lakip na nobela.
-
Muli, maraming salamat perzibabies!❤
Rosas at Kape
Perzival S. Concepcion© All Rights Reserved 2020
-
Tweet me: @perziiicncpcn
Official Hashtag: #RosasAtKape
Instagram: perziii_concepcion
Facebook: Perzival S. Concepcion
FB Page: Ginoong Perzival
BINABASA MO ANG
Rosas at Kape
PoetryMga tulang para sa iyo sinta. Kape, para sa'yo. Rosas, para sa'yo. Ako, para lang sa'yo. - Ginoong Perzival Siyamnapu't limang tulang nailimbag sa loob ng siyamnapu't limang magkakasunod na araw. Book of Poetry (COMPLETED) Book Cover by Romne Julius...