"Nayon"
Habang inokupa ng iyong kamay
ang mainit kong palad,Sundan mo lang ako't
baka kung saan ka pa mapadpad,Ihahatid ka sa nayong
'di mo pa natatanaw,
na walang katulad.Sa tanawin ng damdaming
sayo lahat ilalahad,Maligayang pagdating Binibini,
sa bayan ng puso kong ngalan mo
ang tanging isinasaad.
December 9, 2020 | 11:11
BINABASA MO ANG
Rosas at Kape
PuisiMga tulang para sa iyo sinta. Kape, para sa'yo. Rosas, para sa'yo. Ako, para lang sa'yo. - Ginoong Perzival Siyamnapu't limang tulang nailimbag sa loob ng siyamnapu't limang magkakasunod na araw. Book of Poetry (COMPLETED) Book Cover by Romne Julius...