"Muling Pagsilay"
Sa milya-milyang distansya
na pumapagitan sa 'ting dalawa,Pag-aasam na malapitan ka'y
hinahanagad ng walang sawa.Mula sa milya patungo
sa isang sentimetrong lapit,at palad kong sa pisngi mo na nakakapit.
Masilayan kang muli
ay aking ikinasasabik,Asahan mong sa muli nating pagtagpo'y
sa noo mo ako'y hahalik.
November 3, 2020| 11:11
BINABASA MO ANG
Rosas at Kape
PoetryMga tulang para sa iyo sinta. Kape, para sa'yo. Rosas, para sa'yo. Ako, para lang sa'yo. - Ginoong Perzival Siyamnapu't limang tulang nailimbag sa loob ng siyamnapu't limang magkakasunod na araw. Book of Poetry (COMPLETED) Book Cover by Romne Julius...