IKALIMAMPU

13 6 0
                                    

"Onse"

Ikalabing isa ang nagsisilbing daan
ng mga salita kong hindi maibulalas,

Siya ang tulay ng mga salitang mula
sa aking loob na kusa kong pinatatakas,

Upang makatawid patungo sa bukal
ng kalooban mong akin sadyang pakay,

At maunawan ng naguguluminahan
mong isip na ako ang 'yong habang buhay.

Onse, eleven, ikalabing-isa,
tatlong salitang ibig sabihi'y iisa,

Binibini ko, ikaw ay mahalaga.

November 11, 2020 | 11:11

Rosas at KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon