"Daliri"
Kaysarap sa pakiramdam ng pinaka-unang
pagdampi ng mga daliri ko
sa malambot mong palad at mga daliri,May tila ba kidlat na pumagitan sa mga ito
na hudyat na sang-ayon ang lahat at maaari.Kasunod ng pagtitig sayo patungo
sa mga kamay mong tumutugtog,Lumilikha ng hiwaga sa bawat kalabit ng daliri
sa kalimba na may sariling buhay sa pag-alindog,Sabayan pa ng mala-anghel na tinig
na dadalhin ka sa paraisong puno ng inyong alaala,Na doon lahat magmumula,
Doon nagsimula,Ang pagtinging malinaw na 'di ikinaila.
June 17, 2020/ 12:51am
BINABASA MO ANG
Rosas at Kape
PoetryMga tulang para sa iyo sinta. Kape, para sa'yo. Rosas, para sa'yo. Ako, para lang sa'yo. - Ginoong Perzival Siyamnapu't limang tulang nailimbag sa loob ng siyamnapu't limang magkakasunod na araw. Book of Poetry (COMPLETED) Book Cover by Romne Julius...