IKAPITO

50 24 2
                                    

"Kalayaan sa Kamay ng Lumbay"

Payapa na ang aking loob
sa kabila ng nangyari't pinagdaanan,
Sinubukan ko nang bumalik
sa tinagurian kong tahanan.

Bumalik na rin itong aking puso
sa dati nitong sigla sa pagkapuraw,
Napunan na ang silakbo ng nanunuyong
pintig ng damdaming nauuhaw.

Lahat ng ito.
Ito na ang lahat.

Bumitaw na ng malumanay,
Napawi na ang lahat ng pagkaumay.
Nawa'y mahanap mo na rin ang lumbay
na hahanapin mo na sa ibang kamay.

July 02, 2020 | 7:38pm

Rosas at KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon