IKAANIMNAPU'T ISA

8 5 0
                                    

"Pagpili sa Gitnang Pinto"

Nung una kang humaging sa kalat
at malikot kong paningin,

Napatakan na yata ang mga mata ko
ng panghinang sa bakal
na tila ba nais ka na agad angkinin.

Kayraming lagusan ang nagbukas
at hindi ito huminto.

Inatasan ang sariling
pumili ng nag-iisang pinto.

Hindi gigilid, deretso lang.
Sa gitna lang.

Pinipili ko ang nag iisang lagusan,
ang nag iisang pinto,
Tungo sa nag-iisa mong puso.


November 22, 2020 | 11:11

Rosas at KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon