IKATATLUMPU'T ISA

15 8 0
                                    

"Marahil"

Kinalaban ko ang tadhana.

Sa pag-aakalang mayroon pang magagawa,
Sa pagbugso ng pag-asang 'di pa kakawala,
Sa paniniwalang ako'y iisa at 'di pangalawa,
Alam kong hindi na ako pero tuloy ako sa pagkaila.

Mayroon palang hangganan.

Simula lang ang palaging nagiging masaya,
Umpisa lang ang lahat ng kusang pagsinta,
Isang hiling kung maaari lang sana,
P'wede bang palagi na lang tayong umpisa?

Ikaw ang aking hudyat at katapusan,
Subalit hindi ako ang pinili mo
para sa iyong walang hanggan.

October 23, 2020 | 3:36pm
(A special request along with Paubaya by Moira)

Rosas at KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon