27. On his place

24 2 0
                                    

Merry Christmas, mga Babes!
ENJOY READING!

Merry Christmas, mga Babes!ENJOY READING!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 27: On his place

One week had passed…

“Still had no trace of her?” bungad na tanong sa kaniya ng kaibigang detective na si Detective Salonga, pagpasok pa lamang sa loob ng kaniyang sasakyan.

Bumuntong hininga siya’t umiling. “Ang galing magtago ng batang ‘yon,” sagot niya, at saka na muling pinaandar ang sasakyan patungo sa mansiyon ng mga Adelaide.

Isang linggo na ang lumipas mula nang bigla na lamang mawala ang anak na babae ng mga Adelaide. Kusa itong umalis at hindi na nagpakita pa. Hindi nila malaman kung ano ang dahilan nito. Pero hindi maganda ang kutob niya rito.

Ayon sa napanood nilang kuha ng mga CCTVs ng mansiyon; hating-gabi itong umalis, na may bitbit na isang bag, at ang alaga raw nitong black mamba snake. Alaga pala nito ang ahas na nakakagat sa isang servant ng mansiyon, at mukang hindi ‘yon alam ng padre de pamilya ng mansiyon, base na rin sa nakita niyang reaksiyon nito nang mapanood ang kuha ng CCTV.

Pero ang pinagtataka niya… may dala itong bag, pero ang sabi ng kapatid nito’y wala naman raw kulang sa mga gamit nito. Kung tutuusin ay iniwan nito ang lahat ng gamit nito; including her phone and wallet.

Kaya ano ang laman ng bitbit nitong bag?

At isa pa’y, ayon kay Mr. and Mrs. Adelaide, at sa kakambal nitong si Primonite, ay hindi nila kilala ang dala nitong bag; nang araw na ‘yon lamang daw nakita ng mga ito ang dala-dalang bag ni Primadine.

Itim ang lahat ng bag ni Primadine, pero alam daw ng mga ito ang disenyo ng mga ito, dahil si Mrs. Adelaide pa raw ang mismong bumili at namili ng mga disenyo, kaya kilalang-kilala raw ng mga ito ang lahat ng gamit ng anak.

Ano ang pinupunto niya? Hindi niya pa alam. Pero hindi niya mapigilan ang sarili na maghinala.

Ano ba ang magiging dahilan ng dalagang Adelaide para maglayas at magtago? Matagal itong nawalay sa pamilya nito, kaya bakit muli itong aalis?

“Naglayas sa kabila ng sitwasyon nila ngayon. Nakapagtataka talaga. Plus the fact na wala namang problema sa loob ng pamilya nila, bukod sa mga nangyayari ngayon,” rinig niyang saad ng kaibingan, kaya sinulyapan niya ito’t nginisian.

“We never know. Malay ba natin kung may tinatago ang pamilyang ‘yon?” nakangising saad niya, dahilan para mabilis na mapalingon sa kaniya ang kaibigan.

“Pinaghihinalaan mo ba ang pamilya nila?”

Nagkibit-balikat siya. “Matagal na nawalay sa pamilya si Primadine Adelaide. Ang sabi, lumaki sa ampunan, pero hindi natin alam kung totoo ba talaga ‘yon.”

“So, si Primadine Adelaide ang pinaghihinalaan mo?” tanong nito, na marahan niyang tinanguan. “Sabagay, kahina-hinala rin naman ang ginawa niyang paglalayas.”

INNOMINATUS: SOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon