1. Weird Lady In Black

138 11 0
                                    

I dedicate this story to my favorite author NoxVociferans

I dedicate this story to my favorite author NoxVociferans ♡

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

◆01: Weird Lady In Black◆

“Hindi ko pa naranasan ang makapag-aral,” mahinang sagot niya nang tanungin siya ng mga magulang kung ano na ang natapos niya o kung ano'ng baitang na ba ang natapos niya sa paaralan.

Sandaling natahimik ang mga magulang, saka malungkot ang mga matang nagkatinginan, bago 'yon binasag ng kakambal na matamis nanamang nakangiti sa kaniya.

“Of course you already did, don't you remember? Magkaklase tayo before, and I remember how smart you are, mas nauna ka pa ngang natutong magbasa ke'sa sa 'kin,” nakangiting saad ng kakambal.

“Hindi ko na maalala,” tipid na sagot niya, dahilan para matigilan ito. Wala siyang pinakitang kahit ano'ng emosyon sa mga ito, dahil kahit ang pagkakaroon ng emosyon ay hindi niya na rin maalala kung paano.

Simula nang masaglak siya sa impiyernong buhay na 'yon, at mailigtas ni Shadow at gawing miyembro ng organisasyon ay hindi niya na muling naranasan pa ang makaramdam ng kahit na ano'ng emosyon.

“Kung gano'n kailangan mong mag-aral, Anak, i-e-enroll kita sa susunod na pasukan,” maya-maya'y saad ng Daddy niya.

“That's right, ako na ang bahalang mag-tutor sa 'yo, tapos ikukuha kita ng exam para makatungtong ka na kahit sa high school,” pag-sang-ayon ni Primo na mahahalata ang pagka-exited sa tono ng boses.

Ano pa ba ang magagawa niya? Wala naman siyang magagawa kun'di ang makisama habang naglalagi siya dito sa puder ng mga ito. Kailangan niya lang ang magtiis, dahil kapag natapos niya na ang misyon niya sa lungsod na 'to ay siguradong ililipat nanaman siya ni Shadow sa ibang lugar.

Kaya naman heto na siya ngayon, deretsong nakaupo sa passenger seat, katabi ang nagmamanehong si Primo. Suot niya na ang senior high school uniform ng Emerral Central State University o ECSU, dahil ngayong araw na ang unang araw ng pasukan.

Pumasa siya sa kinuha niyang Exam, sa katunayan nga niyan ay papasa siya sa college, pero napagdesisyon ng mga magulang niya na dumaan muna siya ng high school para maranasan niya raw ang buhay teen ager sa high school, kaya naman ngayon ay grade 11 student palang siya, samantalang si Primo ay second year college na sa kursong psychology.

Nang mai-park na ng kakambal ang kotse nito sa parking lot ng college department ay agad na siyang bumaba.

Paglabas niya pa lamang ng kotse ay naramdaman niya na agad ang tinginan sa kaniya ng mga estudyante, at nang lumapit na sa kaniya ang kakambal ay do'n na siyang nagsimulang makarinig ng mga bulungan.

“Who the heck is she? Bakit magkasama sila ni Primonite?”

“Oh My God! Don't tell me girlfriend niya 'yang girl na 'yan?!”

INNOMINATUS: SOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon