2. SOS / Sex Offender Slayer

72 5 0
                                    

◆02: SOS / Sex Offender Slayer◆

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

◆02: SOS / Sex Offender Slayer◆

Naiirita na siya sa mga taong nasa paligid niya, kaya naman hindi na siya nakatiis at lumabas na ng classroom na 'yon kahit hindi pa nagsisimula ang klase.

Hindi naman na kasi niya kailangang mag-aral, may mas mahalaga siyang kailangang pagtuunan ng pansin ke'sa sa pag-aaral, at 'yon ay ang matapos ang misyon niya sa lungsod na ito.

Sa paglalakad niya ay napadpad siya sa isang lumang fountain, wala na'ng tao, kaya naman dito niya na lamang piniling mag-stay.

Muli niyang sinuot sa ulo niya ang hood ng black jacket niya, bago naupo sa bench at saka yumuko't pumikit.

Pumikit siya hindi para matulog, kun'di para mag-isip tungkol sa plano niya. Ano na ba ang magiging sunod na hakbang niya? Sino na ang susunod na magiging biktima niya?

Sa ilang buwang pag-i-stay niya dito'y halos maubos niya na ang mga sex offender na may mga record. Inilabas niya mula sa itim niyang bag ang itim notebook kung sa'n nakalista ang mga pangalan at impormasyon ng mga magiging biktima niya. Marami-rami na rin ang mga pangalang nabura niya, dahil marami-rami na rin ang natapos niya.

Sino naman kaya ang susunod?

Isang walang buhay na ngisi ang gumuhit sa kaniyang mga labi nang mabasa ang pangalan ng magiging sunod niyang biktima.

Name: Orlando Torres
Age: 48 years old
Occupation: Taxi driver
Case: Pedophile / Rapist

“Oras na ng klase, ano pa ang ginagawa mo dito?”

Nag-angat siya ng tingin sa lalakeng nagsalita, saka mahinahon na isinara ang notebook niya't ipinasok ito sa bag niya. Base sa naaaninag niyang suot nito'y isa itong teacher.

“Ginugulo ako ng mga tao sa classroom, kaya lumabas ako,” walang emosyong sagot niya, saka na tumayo. “Sige po, babalik na 'ko,” 'yon lang at naglakad na siya paalis, pero napahinto siya nang muli itong magsalita.

“Are you a transferee? Ngayon lang kita nakita dito. Ano'ng year mo na?” sunod-sunod na tanong nito sa kaniya, kaya mahina siyang bumuntong hininga.

“Grade 11 po, HUMSS,” mahinang sagot niya.

“Grade 11 HUMSS teacher ako, baka estudyante kita, ano'ng section mo?” muling tanong nito, kaya napapikit na lamang siya dahil gusto niya na'ng umalis sa harapan nito. Hanggat maaari ay ayaw niya talaga ng nalalapit sa mga lalake, tinitiis niya lang talaga si Primo dahil kakambal niya ito, kahit na naiirita na talaga siya sa mga pag-akbay na ginagawa nito sa kaniya.

“Section A ho,” tipid na sagot niya.

“Estudyante nga kita.” Bahagya itong lumapit sa kaniya, kaya napa-isang hakbang siya paatras, na mukang napansin nito kaya nag-stay na lamang ito sa kinatatayuan nito't muling nagsalita para magpakilala. “I'm Elven Ignacio, all my students call me Sir Ven, and I'll be your class adviser for this sem. Ikaw? Ano'ng pangalan mo? Are you a transferee?”

INNOMINATUS: SOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon