EPILOGUE

39 4 3
                                    

SIMULA nang araw na mawalay sa kaniya ang kaniyang kapatid, hindi siya nawalan ng pag-asa na dadating din ang araw na mahahanap niya ito at muling makakasama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SIMULA nang araw na mawalay sa kaniya ang kaniyang kapatid, hindi siya nawalan ng pag-asa na dadating din ang araw na mahahanap niya ito at muling makakasama. Kahit na ilang taon na ang lumipas ay hindi siya sumuko, kahit pa marami na ang nagsasabi na baka patay na ito.

Hanggang sa dumating na nga ang araw na kaniyang minimithi: natagpuan niya na ang kapatid na matagal niyang hinanap. Ngunit marami ang nagbago rito.

Nawala ang dating madaldal at masayahin niyang kakambal, napalitan ito ng malamig at tahimik na Primadine; nawala ang ‘lagi nitong nakangiting mukha, at napalitan ng walang emosyong mukha; nawala ang kapatid niyang sweet at mapagmahal.

Pero sa kabila n’on ay masaya pa rin siya, dahil sa wakas ay muli na nila itong kasama. Kahit na marami na’ng nagbago rito’y hindi na ‘yon naging mahalaga pa sa kanila, dahil ang mahalaga na lamang ay kapiling na nila ito’t muling nayayakap.

Kaya ipinangako niya sa kaniyang sarili na hinding-hindi niya na ito hahayaang muli pang mawala sa kanila. Muli niyang ipinangako sa kaniyang sarili na po-protektahan niya ito sa abot ng kaniyang makakaya.

Hinding-hindi niya na uulitin ang malaking pagkakamaling nagawa niya noon, na naging dahilang kung bakit nawalay sa kanila ng matagal na panahon ang kaniyang kapatid.

Pero muli nanaman siyang nabigo…

“Prima! Please, don’t do this! Primadine!” lumuluhang sigaw niya, habang sapilitan siyang inilalayo ng dalawang detective sa malaking bahay kung sa’n naroon ang kaniyang pinaka mamahal na kapatid.

“Lumayo kayo sa bahay, pero bantayan niyo ang lahat ng puwedeng labasan! Siguraduhin niyong hindi sila tatakas!” utos ni Detective Blaza sa mga pulis na kanilang kasama.

Parang mas gusto niya’ng tumakas na lamang ang mga ito, ke’sa ang ituloy ng kaniyang kapatid ang binabalak nitong gawin.

Hindi niya na kakayanin kapag nawala pa ito sa kaniya!

Paulit-ulit niyang isinigaw ang pangalan ng kapatid at nagmakaawa. Pilit siyang nagpumiglas at tinangkang bumalik sa malaking bahay, pero hindi siya hinayaan ng dalawang detective; pinosasan siya ng mga ito, para hindi siya makawala.

Hanggang sa isang malakas na pagsabog ang nagpahinto sa mundo niya…

Tuluyan nang nawala sa kaniya ang kaniyang kapatid; at ngayon ay wala nang pag-asa na muli niya itong mahanap at makasama; dahil ngayon ay tuluyan na nitong nilisan ang mundo na kaniyang kinaroroonan.

Sobrang sakit na tipong parang binibiyak na ang kaniyang puso. Sobrang sakit ng mamatayan ng pamilya at mahal sa buhay; pero mas masakit, dahil ang kalahati niya ang nawala.

Hindi niya lang ito basta kapatid; dahil ito rin ang bestfriend niya; ang girlfriend; at ang unang-unang babae na minahal niya at gusto niyang makasama hanggang sa kaniyang pagtanda.

INNOMINATUS: SOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon