33. Chose her happiness

25 1 0
                                    

ENJOY READING!

CHAPTER 33: Chose her happiness

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 33: Chose her happiness

"DADALHIN ko rin ba 'to?" tanong ni Felix kay Primadine na ngayo'y kasalukuyang inihahanda ang mga dadalhin nilang snacks, para may mangunguya sila habang nasa biyahe. Hawak niya ngayon ang isang tuwalya na siyang tinutukoy niya sa kaniyang tanong.

Napilit niya kasi si Primadine na mag-bonding silang dalawa, at ito ang napili niyang gawin: ang magpunta sa beach kasama ang mahal niya. Hehe. Tatlong araw sila ro'n, kaya kailangan nilang magdala ng mga extra na gamit. Susulitin niya 'to, dahil nahirapan kaya siya sa pagkumbinsi sa dalaga.

Nilingon siya ni Primadine. "Oo," tipid na sagot nito, bago muling bumalik sa ginagawa, kaya napatango-tango na lamang siya. Nga naman, para may extra silang tuwalya.

Umamin na si Primadine na pareho sila ng nararamdaman para sa isa't isa. Pero hindi pa rin ito nagbabago sa pakikitungo sa kaniya: wala pa ring emosyon, dry, at madalas ay seener. Pero kapag naglalambing naman siya ay hindi ito KJ: tumutugon naman ito kapag niyayakap niya't hinahalikan, at siyempre kapag sinasabihan niya ito ng I love you. Nakampucha! Kinikilig nanaman ako! Buwahaha!

At ang maganda pa rito, pumayag ito sa gusto niyang ipitin lang ang bangs nito, kahit pa nasa public place sila, kaya lantad na lantad na sa paningin niya, at sa paningin ng lahat ang napakaganda nitong pagmumuka. Siguradong maraming maiinggit sa 'kin, dahil mahal ako ng mala-diyosang babaeng 'to hehe.

"Ano pa ba'ng kulang?" usal niya, habang isa-isang chine-check ang mga dadalhin nila.

"Na-check ko na ang lahat ng 'yan. Wala na tayong nakalimutan," rinig niyang saad ng kaniyang mahal, kaya malawak ang ngiti niya itong nilingon.

"If that so? Then let's go," aniya, at saka na sinumulang bitbitin ang mga gamit nila. Samantalang si Primadine nama'y ipinasok si Dark sa loob ng itim na bag nito. Napailing na lamang siya, dahil dadalhin din pala nito ang alaga nitong makamandag na ahas, at ang bag nitong naglalaman ng mga gamit sa pagpatay.

Hindi pa nila uli napag-uusapan ang tungkol sa pagiging si SOS nito, dahil halata naman sa dalaga na hindi nito hilig ang mag-open up, lalo na sa sikretong katauhan nito; ayaw rin naman niyang magtanong, dahil baka masira lang ang masayang pagsasama nila.

Hindi nga niya alam kung sa'n ba ito kumukuha ng pera, dahil minsan niyang nakita ang isang maliit na bag sa aparador ni Primadine; at puno ito ng mga pera. Sumusuweldo ba ito sa pagpatay na ginagawa nito?

Muli na lamang siyang napabuntong hininga't pilit na itong ini-alis sa kaniyang isipan. Ayaw niyang masira ang araw na 'to nang dahil lang sa kaniyang pagiging mausisa.

Sabay silang lumabas ng apartment ni Primadine; kapwa naka-sumbrerong itim, para bahagyang matakpan ang kanilang muka. Mahirap na't baka may makakilala pa sa kanila. Gustong magtago ng kaniyang mahal sa pamilya nito, kaya irerespeto niya ang desisyon nito't susuportahan na lamang sa mga gusto nitong gawin.

INNOMINATUS: SOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon