16. He's missing too

25 2 0
                                    

CHAPTER 16: He’s missing too

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 16: He’s missing too

“Gosh! Me? A suspect? That’s very unbelievable! This is ridiculous!” maarteng bulalas ni Chie nang makalabas na sila ng Dean Office, kaya agad itong sinamaan ng tingin ni Felix.

“Sige, isigaw mo pa! Ipaalam mo sa buong mundo na suspect ka!” mahina pero mariing usal ni Felix dito, pero inirapan lamang ito ng dalaga.

“’Wag niyong pagtalunan ‘yan dito, tandaan niyo ang sinabi nila Detective, this is a covert investigation, ‘wag na ‘wag niyo ‘tong ipaaalam kahit kanino, kahit pa sa mga kaibigan o pamilya niyo. Understand?” seryosong saad niya, kaya naman nagsitango na lamang ang mga ito, na pinagpapasalamat niya.

Mabuti naman at maayos kausap ang mga ito. Gusto niya na ring malutas ang kasong ‘to, dahil buhay ni Lite ang nakasalalay dito.

Paalis na sana sila para magtungo sa kaniya-kaniyang klase nang mapahinto dahil sa pagtawag sa kaniya ni Detective Blaza na kalalabas lamang rin ng Dean Office kasama si Detective Salongga.

“Primonite? Puwede ka ba uli naming makausap? Ng ikaw lang,” saad nito. Ano naman kaya ang kailangan ng mga ito sa kaniya?

Nilingon niya ang mga kasama. “Go back to your classes,” saad niya, saka bumaling sa kapatid niya. “Hintayin mo ‘ko sa room niyo later lunch. ‘Wag kang aalis hanggat wala ako,” seryosong habilin niya sa kapatid.

Nadadawit sila sa seryosong kasong ‘to, kaya kailangan niyang protektahan ang kapatid niya. Hindi ko na hahayaang may mangyari nanaman sa kaniyang masama. Marami na itong pinagdaanang hindi maganda, at ayaw niya na’ng madagdagan pa ‘yon.

Nakahinga siya ng maluwag nang marahang tumango sa kaniya ang kapatid. Hindi pasaway ang kapatid niya, kaya alam niyang susundin nito kung ano man ang sabihin niya.

“’Wag kang mag-alala, Primo, kami na’ng bahala dito kay Sunako; babantayan namin ‘to,” nakangising saad ni Felix na inakbayan pa talaga ang kapatid niya na hindi pa rin kakikitaan ng kahit ano’ng emosyon sa muka, kaya napailing na lamang siya.

Hindi niya alam kung seryoso ba talaga ‘tong si Felix sa kapatid niya o nan-tri-trip lang. Kilala niya ang lalakeng ‘to, kailan man ay hindi ito nagseryoso sa mga babae, kaya medyo nababahala siya para sa kapatid niya. Pero subukan lamang nitong paiyakin ang prinsesa niya, makikita nito kung paano magalit ang isang Primonite Adelaide!

“Sige na, mag-si-balik na kayo sa klase niyo,” huling saad niya, bago tuluyang nag-si-alisan ang mga ito’t maiwan siya sa tapat ng Dean Office kasama ang dalawang detective.

Maya-maya lang ay namalayan niya na lamang ang sarili sa loob ng kotse ni Detective Blaza. Nasa driver seat ang naturang detective, nasa tabi naman nito si Detective Salongga, habang siya’y nag-iisa sa back seat.

“Hindi namin gustong madawit kayo sa kasong ‘to, but… I don’t know why, malakas talaga ang hinala ko na isa sa inyo ang makapagtuturo sa ‘kin sa katauhan ni SOS,” panimula ni Detective Blaza.

INNOMINATUS: SOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon