39. White Rose Ripper

21 2 0
                                    

CHAPTER 39: White Rose Ripper

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 39: White Rose Ripper

“MAGANDANG araw ho, Sister,” magalang na pagbati nila kay Sister Amie nang makarating na sila sa Love of Mary Orphanage.

“Magandang araw rin sa inyo. Kaawaan kayo ng Diyos,” nakangiting saad nito nang magmano sila rito. “Hali’ kayo, sa opisina tayo mag-usap,” kapagkuwa’y paanyaya nito sa kanila, kaya agad silang sumunod dito nang pangunahan na nito ang paglalakad.

Sinenyasan naman niya ang ilang mga kasama, para maglibot na sa paligid, baka sakaling hindi pa nakalalayo si Primadine. Nautusan niya na rin ang iba na libutin na ang buong lungsod ng Elemen, para hanapin sa bawat sulok ang dalaga.

Nang makarating sa opisina ng madreng tagapangasiwa ng orphanage…

“Ano hong ginawa rito ng anak ko?” si Mr. Adelaide ang unang nagtanong sa madre.

Naglapag ng isang puting sobre si Sister Amie na sa tingin nila’y naglalaman ng pera. “Iniwan ito ng anak mo bago siya umalis. Ang sabi niya, donation niya raw ito para sa mga bata. Pero bago ‘yon,  nagbigay muna siya sa ‘kin ng mga katanungan; may gusto raw kasi siyang malamang impormasyon tungkol kay Felix Besin Vergara.”

Nangunot ang noo niya. Ano nama’ng kailangan ng dalaga sa mga impormasyon patungkol kay Felix Vergara?

“Ano’ng impormasyon naman ho ang hinihingi niya tungkol kay Felix?” kunot din ang noong tanong ni Detective Salonga.

“Ayon na nga, hindi ko kilala ang Felix na tinutukoy niya,” sagot nito na lalong nagpakunot sa noo niya.

“Paanong nangyaring hindi mo kilala si Felix? ‘Di ba, dito siya lumaki?” kunot noong tanong niya.

“Yeah, Sister. How come you don’t know Felix? Last year lang naman no’ng umalis siya rito sa puder niyo. ‘Yon ang sabi niya sa ‘min,” segunda ni Mr. Adelaide.

“At saka, ako mismo ang tumingin sa mga papers niya, at may naipakita siyang katibayan na galing nga siya rito at isa na siyang orphan,” saad din ni Detective Salonga.

Imposibleng malimutan nito agad ang binata, dahil wala pa namang dalawang taon magmula nang umalis ito rito sa orphanage na ‘to at magsariling buhay.

Maliban na lang kung nagsisinungaling siya. Nanliit ang mga mata niya dahil sa naisip. Posibleng nagsisinungaling ito sa kanila, kung may tinatago itong malaking sikreto.

“Iyan din ang tanong sa ‘kin ng anak mo, Mr. Adelaide; at gaya ng sagot ko sa kaniya: matanda na ‘ko, pero hinding-hindi ko malilimutan ang mga batang inalagaan ko. Wala talaga akong Felix Besin Vergara na kilala,” sagot nito.

Nagkatinginan silang dalawa ng kaibigang si Detective Salonga. Mukang kinakailangan nilang imbestigahan si Felix Vergara.

***

INNOMINATUS: SOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon