5. Don't mess up with the quietest maiden

24 4 0
                                    

◆05: Don't mess up with the quietest maiden◆

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

◆05: Don't mess up with the quietest maiden◆

Nag-resumed na uli ang klase, pero hindi nawala ang usapin tungkol sa pagpatay kay Ace Almario, dahil nagbigay takot ito, hindi lang sa mga estudyante, kun'di sa buong mamamayan ng Emerral City.

Idagdag pa ang pagdami ng mga rape victim na pinapatay sa bawat pagdaan ng araw; at kung ano-ano pa'ng krimen na nagaganap. Halos araw-araw ay may natatagpuang bangkay sa kung saang parte ng lungsod, at napakalaking suliranin nito para sa buong bayan.

As usual, hinatid siya ng kakambal niya sa classroom niya bago ito magtungo sa sarili nitong klase, at siyempre hindi mawawala ang tilian ng mga kinikilig niyang kaklase sa tuwing nakikita ang kapatid niya.

Pero ngayon ay wala nang nagtatangka pang makipaglapit sa kaniya dahil sa limang lalakeng ngayon ay nangungulit nanaman sa kaniya.

Base sa obserbasyon niya ay sikat rin sa mga kababaihan ang limang lalake, kaya nagtataka siya kung bakit pilit pa rin siyang kinakausap ng mga ito kahit na halata namang hindi siya interesado at wala siyang planong makisama sa mga ito.

Naiirita na siya pero pilit niya lang pinipigilan ang sarili, dahil hindi kasama ang mga ito sa trabaho niya; ayaw niya na'ng mag-aksaya pa ng oras sa mga ito, kaya naman nagbibingi-bingihan na lamang siya sa mga pangungulit ng mga ito.

Tulad nalang ngayon…

“Sige na, Sunako, sabay ka na sa 'ming mag-snack, parang hindi naman tayo magkaibigan niyan ehh,” pangungulit sa kaniya ni Felix.

“Hindi tayo magkaibigan,” hindi niya na napigilan ang sariling sumagot, dahil kanina pa talaga siya iniinis ng mga ito. Kahit ano'ng gawin niyang pagbibingibingihan ay ayaw talaga siyang tigilan ng mga ito.

“Boom! Basag! Bwahahahaha!” Zerwin.

“♪It really hurts, ang magmahal ng ganito!♪ Bwahahahahaha!” sabay-sabay na kanta ng apat na kaibigan nito, bago malakas na nagtawanan na parang inaasar si Felix.

“Awts gege,” nakasimangot na sagot ni Felix, dahilan para lalong magtawanan ang mga kaibigan. “Ayaw mo ng friendship? Ano'ng gusto mo? Lover?” kapagkuwan ay nakangising tanong nito habang nagtataas-baba ang kilay. “Puwede naman, sabihin mo lang,” malanding dugtong pa nito.

“Ayon! Maglalayag na ba ang SuLix ship?!” Chollo.

“Aayyyiieehhh!!!” kantyaw ng mga ito; hindi lang ng mga barkada nito, kun'di pati na rin lahat ng mga kaklase nila.

Napabuntong hininga na lamang siya't pilit inignora ang mga ito. Nababaliw na sila, tss.

Sulit sa tamis, sulit sa kilig, at sulit sa saya! SuLix Ship! Tayo na't maglayag!” nakatayo at feel na feel na sambit ni Felix habang nakaharap sa buong klase, dahilan para mas lalong mag-ingay sa pangangantiyaw ang lahat.

INNOMINATUS: SOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon