35. Bitch corpse on the beach

33 3 0
                                    

CHAPTER 35: Bitch corpse on the beach

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 35: Bitch corpse on the beach

TODAY is the third day of their beach outing; at mag-pa-sa-hanggang ngayo'y hindi pa rin siya pinapansin ni Primadine. Hindi niya akalaing ganito pala ito kahirap suyuin; kaya next time, hindi niya na hahayaang magselos ito.

Bilhan ko kaya siya ng fries, burger, milk tea, at saka prutas? Pft.

Nagawa pa'ng magbiro ng kaniyang isip. Wala sa itsura ni Primadine ang madadala sa pagkain. Tss.

Pero hindi niya na alam kung ano pa'ng klase ng panunuyo ang gagawin niya. Todo sa pagbibigay ng silent treatment sa kaniya ang dalaga. Para' ngang mas gusto niya pa'ng sigaw-sigawan na lang siya nito; pero siyempre, asa pa siya. Ayts!

Mamayang hapon ay matatapos na ang masayang bonding sana nila. It supposed to be enjoy end; not like this. Uuwi na sila at babalik na sa kanilang apartment.

Naiinis na siya, pero alam naman niyang kasalanan niya ehh. Bakit ba naman kasi napakaharot at gago niya?!

Ayts! Ang sarap magbigti!

"Kung magbibigti kaya ako, papansinin niya na 'ko?" nakabusangot na usal niya habang nakadukmo sa dining table; hinihintay si Primadine na makatapos sa pagligo.

Malalim siyang bumuntong hininga't marahas na ginulo ang kaniyang buhok. Sunod n'on ay umayos siya ng upo't nilingon si Dark na pagapang-gapang sa ibabaw ng kama.

Ang kinaiinis niya pa ay sa halip na siya ang katabi ng dalaga sa pagtulog kagabi, ay ang pobreng ahas na 'yon ang katabi nito! Sa sahig tuloy siya natulog, dahil sa tuwing binabalak niyang tabihan si Primadine, ay inaambahan siya ng tuklaw ng ahas.

"Happy ka na niyan, Dark? Happy ka na niyan?" sarkastikong tanong niya sa ahas, habang naka-thumbs up ang isang kamay niya. But of course, he just hissed at him. "Tapon kita sa dagat ehh, tss," kapagkuwan ay saad niya, at saka muling bumalik sa pagkakadukmo sa mesa.

"Sunako... Sunako... Sunako kong mahal..." he chanted continuously while eyeing the door of the comfort room. Mukang nababaliw na siya. Baka sunod niyan staff na ng asylum ang dumampot sa kaniya. "Hayyy..."

Mabilis siyang napatayo nang makita niya na ang pagbukas ng pintuan ng banyo.

"Sunako hehe," sambit niya, habang matamis na nakangiti rito. Baka sakaling madala ng charm niya. Baka sakali lang naman ehh hehe.

***

SI FELIX agad ang bumungad kay Primadine pagkalabas niya pa lang ng banyo. Matamis itong nakangiti sa kaniya kaya napabuntong hininga siya.

Hindi niya ito pinapansin magmula pa kahapon, kaya todo suyo ito sa kaniya para lamang pansinin niya.

Hindi niya alam kung bakit niya ba ito ginagawa. Basta nakararamdam siya ng inis sa tuwing nakikita ito, dahil bumabalik sa isipan niya ang tagpo nito kahapon, kasama 'yong babaeng maganda at sexy na nagngangalang Allyana.

INNOMINATUS: SOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon