34. The feels of jealousy

24 2 0
                                    

CHAPTER 34: The feels of jealousy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 34: The feels of jealousy

THEIR first day on the beach was fun, even tho’ they had a serious talk about her being SOS; they still enjoyed being each other.

Gaya ng gusto ni Felix ay naligo sila sa dagat, at nagbabad sila sa ilalim ng araw, dahilan para magbago na ang kanilang mga kulay; ramdam niya pa ang bahagyang hapdi sa kaniyang balat. Hindi naman kasi sila naglagay ng kung ano sa kanilang balat para maprotektahan mula sa init ng araw. Though wala naman siyang pakialam kahit masira pa ang balat niya.

They also walked on the seashore while their hands are intertwined. Tried some beach activities. And they had dinner in a floating cottage.

Their first day end with a smile on their lips. Natapos ang araw na masaya silang dalawa na parang walang dinadalang bigat at problema sa kanilang buhay.

After nilang makapaglinis ng kanilang mga katawan at makapagpatuyo ng buhok; magkatabi na silang nahiga sa malaking kama ng hotel room na inuukupahan nila.

Mukang napagod si Felix dahil sa dami ng mga ginawa nila kanina, kaya una na itong nakatulog sa kaniya. Samantalang siya’y mukang ayaw pang dapuan ng antok.

Tumagilid siya paharap sa binata, at saka pinakatitigan ang nahihimbing nitong muka.

Sa tuwing ipinagmamalaki nito ang sinasabi nitong kaguwapohan ay hindi ito nagsisinungaling. Hindi niya tuloy mapigilan ang tipid na mapangiti. Hindi na talaga nakapagtatakang humaling na humaling si Lite sa lalakeng ito. Bigla niya tuloy naalala ang dalaga. Buhay pa kaya ito? Simula nang mawala ito’y wala nang naging usad sa paghahanap dito. Masyadong magaling si White Rose Ripper sa pagtatago; na gaya niya’y hindi rin nag-iiwan ng kahit ano’ng ebidensiya.

Napabuntong hininga na lamang siya. Gusto niya na’ng matapos ang kaniyang misyon, pero hindi niya pa gusto ang lumisan at iwanan ang lalakeng nasa kaniyang tabi ngayon.

Ngayon ay naguguluhan nanaman siya sa kung ano’ng dapat niyang gawin…

Muli na lamang siyang napabuntong hininga’t ipinilig ang kaniyang ulo, para alisin sa isipan ang kaniyang obligasyong kailangang isakatuparan.

Tatlong araw lang ang hiniling ni Felix sa kaniya, kaya hindi niya ito sisirain. Pagkatapos nito, bahala na sa susunod niyang magiging hakbang.

Dahan-dahan niyang inialis ang pagkakayakap ni Felix sa baiwang niya, at saka siya maingat na tumayo mula sa pagkakahiga’t naupo sa gilid ng kama.

Mula sa ilalim ng kanilang kama’y kinuha niya ang kaniyang itim na bag. Agad namang gumapang palapit sa kaniya si Dark, kaya dali-dali niya itong kinuha at isinabit sa kaniyang leeg.

Sa mga nagdaang araw na magkasama silang tatlo sa iisang bubuong, ay hindi pa rin nagkakasundo si Dark at Felix. Nagseselos si Felix kay Dark, at mukang masama pa rin ang loob ni Dark kay Felix, dahil sa pagkulong ng lalake rito sa banyo. Hindi tuloy niya maitabi sa kanila sa kama ang alaga, kaya nilalatagan niya na lamang ito ng comforter sa sahig.

INNOMINATUS: SOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon