26. Profecta

29 2 0
                                    

CHAPTER 26: Profecta

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 26: Profecta

“Ayos na ba ang lahat?” nakangiting tanong ni Primonite sa mga kasama.

This is the day. Ngayon na ang araw ng kaarawan nila ng kaniyang kakambal.

Inilibot niya ang paningin sa paligid. It’s all black, yet fascinating; like her sister. Mula sa pintura ng treehouse, sa table cloth ng mahabang mesa, sa banderitas, sa mga lobo, at iba pa’ng mga decorations. Though may mga makikita rin namang color white.

Naalala niya pa kahapon kung paanong mainis si Chie, dahil pinalitan ang mga binili nitong pink balloons and banderitas, dahil hindi babagay ang kulay sa color theme, which is black. But in the end, wala rin naman itong nagawa.

I’m sure, Prima will love this.

“Okay na ang lahat, Primo. Sino pala’ng susundo kay Sunako?” sagot at tanong ni Dexter habang inaayos ang mga pagkain sa buffet table.

“Ako na lang ang susundo sa kaniya!” mabilis na presinta ni Felix, kaya napailing na lamang siya. Ano pa ba’ng magagawa niya? Pft.

“Okay, Felix. Fetch her now. Tatawagan na lang kita kapag time na para dalhin siya dito,” nakangiting saad niya sa binata.

“Noted!” nakangising sagot naman nito, at saka inayos ang sarili para maghanda sa pag-alis.

Muli na lamang siyang napailing at tumalikod na sa mga ito para umakyat sa treehouse. Nang makapasok siya sa loob, inilabas niya ang phone niya mula sa kaniya bulasa at tinawagan ang kaniyang ina.

“Mom, it’s time. Pumunta na kayo ngayon dito. Si Felix na ang bahala kay Prima.”

“Okay, Son. Nasa room niya lang si Prima. Hindi ko pa siya nakitang lumabas mula pa kanina, ni-hindi nga sumabay mag-breakfast sa ‘min. Kinakatok daw n’ong servant na inutusan ko, pero hindi naman daw sumasagot.”

Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ng ina. Bakit parang bigla siyang kinabahan?

“Pinuntahan mo na rin ba sa room niya, Mom?”

“Nope, kasi ang dad mo na ang nag-presintang puntahan ang kapatid mo. Pero hindi rin daw sumasagot, kaya pinasok niya na ang room. Then ayon, tulog na tulog pa raw, nakatalukbong pa ng kumot. Kaya hindi na inistorbo ng dad mo, baka kasi puyat. Ano naman kaya ang pinagkaabalahan ng kapatid mong ‘yon kagabi?”

Nakahinga siya ng maluwag dahil sa naging sagot ng mom niya. Na-pa-paranoid lang siguro ako. Napabuntong hininga na lamang siya.

“Sige, Mom, pumunta na kayo ngayon dito. Papunta na rin diyan si Felix. Siya na ang bahala kay Prima,” nakangiting saad niya na lamang.

“Okay, Son. See you. Love you!” Napangiti’t napailing na lamang siya sa kasiglaan ng boses ng mommy niya.

“See you, Mom. I love you too.”

INNOMINATUS: SOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon