A/N:
Plano ko sana dagdagan pa ng isang chapter bago ang epilogue pero naisip ko na huwag na pala.
Anyways, I hope ya'll are doing fine. Enjoy the christmas eve with your family and keep safe from the virus.
Merry Christmas Everyone💕
- from yours truly IAMKINGALAS
___________________________________________
AMBER'S POV
Everyone is busy. Mamaya na kasi ang Christmas Eve.
It's been a year since me and Ralph got married. Magkasama na kami sa iisang bahay ngayon. Pero nandito kami sa bahay ni dad ngayon. Napagdesisyunan kasi nila Mama Lucy at daddy na dito kami magpapaskong lahat.
"Masyado kang busy hon." Nilingon ko ang nagsalita. My husband.
"Syempre para mas ganado kang kumain mamaya." Biro ko.
"Makita pa nga lang kita busog na ko e." Sus nambola pa.
"Nako po. Nambola pa." Bulong ko, sapat lang para marinig niya.
"Uy hindi ah! Totoo kaya yung sinabi ko." Depensa niya.
"Ok fine." Pagsuko ko.
"Mamaya mo na guluhin si Amber anak. Tulungan mo nalang muna si Conor doon sa pagaayos." Biglang salita ni Mama.
"Tsk." Reklamo ni Ralph tapos ay umalis din. Wala siyang choice e si mama na kasi nagsabi.
"Reklamo pa susunod din naman." Natatawang sabi ni mama kaya natawa din ako.
Oo nga naman.
"Hayaan niyo na muna siya ma." Sabi ko kay mama.
Pinagpatuloy nalang namin ni mama ang pagluluto ng pagkain para sa noche buena namin mamaya. Ilang oras nalang magpapasko na. Buti nalang at sama sama kami ngayon araw.
Nandito din sila Mami, Papi at Yuka. Sina Dree at Faith ay nandito din. Gusto nga din sana ni Jordan na dito mag noche buena kaso pinagbawalan ng fiancé niya( si Dree) dahil dapat daw pamilya ang kasama.
I was busy organizing the plates on the table when my phone rang. It was a call from the De Jesus-Cuaton family.
"Hey! Merry Christmas!" Bati ko sa kanila.
[Merry christmas too Berry.] Nakangiting sabi ng mag asawa sakin.
"Hi babies!" Bati ko sa mga anak nila.
[Hello po! Merry Christmas tita Berry!] Masayang bati ng mga bata.
"Anyways, napatawag kayo?" Tanong ko tapos ay inilagay ang kutsara at tinidor sa gilid ng plato.
[Ah! The kids want to say thank you daw sa gifts mo sa kanila.]
"Ahhh. You're all welcome. Love na love kayo ni Tita."
[Thank you tita ganda!] Sabay sabay na sabi ng mga bulilit.
Matapos noon ay nagpaalam na ang mga bata kaya sina Seph at Yanyan nalang ang kausap ko.
YOU ARE READING
I Don't want To Leave ( FYH series) #2
RandomEvery decisions has it's own reason, but make sure that your decision is worth it, because we know how much it hurts when you regret that later. -Berry
