KORTE!

164 11 307
                                        

Ralph's POV

Inabot ako dito ng hanggang mag umaga. They keep on asking me at i keep on denying it.

The officer decided to bring this case in court. Hindi na ko nagreklamo. Hindi nila alam kung gano kabigat ang pinaparatang nila sakin. Kidnapping and Abuse?! Really?!

"Ralph! Why did you agree?" Tanong sakin ni Jiro.

"I agree to clean my name. You all know that i am not what they think of me."

"Mahaba habang proseso to, alam mo naman yon diba?" Tumango ako. " Tsk, kung hindi agad tayo makakahanap ng ebidensya kung sinong gumawa niyan sa kapatid mo, matatagalan ka dito Ralph." Napabuntong hininga nalang ako. Oo, alam ko. Alam kong magtatagal ako dito kung hindi kaagad mahahanap yung salarin. Hindi rin matatanong si Faith dahil  hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising.

Kung nandito lang sana si Mom hindi magkakaganito lahat. Why did you leave me so early mommy? Look at me now, i'm innocent you know that, but i can't believe i'm here. Please guide me.

"I will ask Yanyan to check the cctv in your house here." Sabi ni Seph kaya tumango ako. "Baka sakaling makahanap tayo ng ebidensya don." Tipid na ngumiti lang ako.

"Don't worry. I'll do my best to get you out of here." Sabi pa ni Jiro.

"Mmm." Tumatangong sabi ko.

Pagtapos non ay agad na umalis yung dalawa. Kikilos na daw sila ngayon. Sa makalawa naka set ang hearing. Sabi ng mga pulis ay dadating daw ang partida kung sinong nagsampa ng kaso sakin. I have a slightest idea who it is but i'm hoping they're not. Baka talagang makulong ako.

Lumipas ang buong araw at nandito pa rin ako. Binibigyan nila ako ng pagkain pero hindi ko ginagalaw kaya yung mga kasama ko nalang sa selda yung kumakain ng pagkaing binibigay sakin. They're a bit nice. May isa din dito na naakusahan lang tapos ikinulong kaagad. Sabagay ganito naman ang mundo, lalo na dito sa pilipinas. Maakusahan ka lang ikukulong kana, lalo na kapag mayaman yung kalaban mo, wala kang karapatan kasi tatapak tapakan ka. That's the reality. You can't afford justice without money. That's how it works.

I don't even know kung pano nilang nasisikmura yung ganoong kasamaan. Napailing nalang ako sa sitwasyon ngayon.

It's past bedtime pero gising pa rin ako. Ayokong matulog, ayokong isipin lahat to.

Kinabukasan, nandito ulit sila Jiro kasama si Seph at Yanyan. Umaasa ako na pupuntahan niya rin ako. Pero hindi, walang Amber na dumating.

"Hindi talaga siya sumama bro."- Seph.

"Hmmm." Pilit ang ngiting sabi ko.

"I checked the cctv in your house here. There is no footage. Nagana yung cctv pero walang laman. They disabled the cctv when they did the crime. I'm not a pro but i'm trying my best to help you bro." I smiled. I know that. Alam ko kung gano nila kagusto na tulungan ako. At nagpapasalamat ako na hindi nila ako iniwan sa ganitong kalagayan.

"Ayos lang bro. Alam ko naman na gusto niyo rin akong tulungan." Nakangiting sabi ko.

"Hays, i hope this ends soon. Ang hirap pag nakikita ko kayong ganito." Malungkot na sabi ni Yanyan. He really is soft hearted.

I Don't want To Leave ( FYH series) #2Where stories live. Discover now