His Dream house

238 14 9
                                        

Chapter Two

Amber's POV

Matapos ang party ng anak nila Seph at Yany ay umuwi din ako kaagad. I was just laying myself on my bed when my phone beeped. My manager texted me. Kailangan ko daw pumunta ng NY next week, may company daw na gusto akong kuhanin for commercial model.

Sa nakalipas na taon, bukod sa pagiging Doctor, modeling lang yung pinagkaabalahan ko.

It's my way of forgetting Ralph, kahit ayoko. At kahit napilitan lang ako. Hays.

Tsk, nakakatamad naman tong araw na to, kainis!

I reached for my phone and then browse ig.

I was scrolling when i saw a post.

@It's_AlleyGurl tagged you in a post

Tinignan ko naman kung san ako tinag. And when i saw it, it was our picture taken last night. The caption is 'I met Dra. AVM, so ucky that she's my fiancé's friend.'

The post has 24K comments and 1M likes.

Napailing nalang ako sa nakita ko. Tsk, friend, really? Pinatay ko nalang yung phone ko, pagtapos ay nahiga ulit.

I'm bored! Ano ba yan!

*Knock*

"Come in!" Malakas na sigaw ko. Agad namang bumukas ang pinto.

"Hi ateeeeee!!!" Agad akong napalingon sa pinto ng marinig ko ang boses na yon.

"F-faith!" Gulat na sabi ko. Shit, anong ginagawa niya dito?

"Hihi, can you spend your day with me ate?" Nakangiting tanong niya. "If you're not busy." Dagdag na aniya.

"Ha?"

"Tsk, ate naman. I want to go shopping but kuya won't accompany me. Kaya naisip ko na puntahan ka!"

"T-teka! Pano mo nalaman na dito ang bahay ko?" Takang tanong ko. This house is mine, yung dating tinitirahan ko kay Dad yon. Bumukod na ko ng tirahan ng makabalik dito.

"I ask ate Vien hihi." Kamot ulong sabi niya. "But please ate, i know you're not busy! You're wearing your pj's e." Nakangusong sabi niya, napailing nalang ako.

Faith is Ralph's sister.

"Hindi ka ba papagalitan ng dad mo?" Tanong ko sa kaniya. Nakita ko namang natigilan siya.

"Nope. I'm no longer staying at his house." Pilit ang ngiting sabi niya.

"Ha? How come?"

"Kinuha ako ni kuya."

"Ok, let me just take a bath. Tapos sasamahan kita. Ok ba yon?" Sa sinabi kong yon, nagliwanag yung mukha niya.

"Yaysss! Thanks ate!" Masiglang sabi niya. Ako naman ay tumayo na ng higaan at saka dumiretso sa cr.

Tsk, atleast may gagawin na ko.

Binilisan ko nalang yung pagligo para hindi ma bored si Faith.

I just wore high waisted short and oversized shirt. Ti-nuck in ko nalang yung harapan para may style. Tapos pinarisan ko ng gucci na belt. Sinuot ko din yung mint green na sneakers ko. Then a sling bag.

Bumaba na ko sa living room para ayain na si Faith na umalis.

Pagkababa ko, wala si Faith sa living room. Nasan kaya yon?

"Ate, nakita mo si Faith?" Tanong ko dun sa maid na nakasalubong ko.

"Yung babae pong matangkad ma'am?" Tanong niya sakin kaya tumango ako. At the age of 25, Faith is so tall. Medyo magka height na kaming dalawa. Mas matangkad lang ako ng 3 inch.

I Don't want To Leave ( FYH series) #2Where stories live. Discover now