UNTITTLED

117 7 3
                                        

AMBER'S POV

Kinabukasan naghanda lang ako ng gamit kasi nga mamamasyal ako ngayon. Ewan ko kay Shantal kung sasama siya sakin. Basta ako, magpapakasarap muna bago magtrabaho ulit.

Pagkatapos kong isuot yung off shoulder croptop at black skinny jeans i partnered it with 3 inches white heels. And then bumaba ako at dumiretso sa kusina.

"Wow, gara. San punta mo?" Agad na salubong ni Shantal sakin. Naglapag siya ng mga tupperware sa lamesa.

"Dyan dyan lang." Sabi ko saka inayos yung bag ko.

"San yon?" Taas kilay na tanong niya.

"Tsk, basta kahit saan. Sasama ka ba?"

"Hindi na. Dito nalang ako. Sawa na ko kakatravel gurl." Sabi niya saka umupo sa chair saka sinimulang kainin yung dala niya.

"Ikaw bahala." Nagkibit alikat nalang ako saka lumabas ng kusina. Malapit na ko sa pintuan ng tinawag niya ulit ako kaya lumingon ako.

"Ay nga pala, may interview ka bukas ha? 5pm with Ms. Ellen." Sabi niya saka linantakan na yung pagkain.

"Ok. Alis na ko." Paalam ko.

Nang makaalis ay nagpunta muna ako sa museum. Nagtingin lang ako ng mga antique paintings doon.

After that kumain ako, tapos ay nagpunta sa studio, i visited some people i know here in US. Then after that i went to visit the hospital where i started. I met Dr. Layman, he is a well known Doctor here. Well, bukod sa pagiging gwapo ay napaka talented pa.

After that nagpunta lang ako ng resort para i meet yung agency.

Nothing much happened kaya naman pagkatapos non ay umuwi na ulit ako.

Pagka uwi ko naabutan ko si Shantal na nakain pa rin, ang tibay. It's now 9pm pero nakain pa rin siya.

"Zupp, how's your trip?" Tanong niya ng makaupo ako sa couch.

"Nothing much happened, i just visited the museum, hospital and agency. Pati na rin pala sa studio. " Pagod na sabi ko.

"Sure ka yun lang?" Taas kilay na tanong niya.

"Yep." I said and then remove my heels.

"Ohhh, so the news is fake pala."

"Ha? What news?" I asked out of curiousity. News?

"You know, Doc Layman." Nakangiting sabi niya, kinikilig. Nanlaki naman yung mata ko.

"Gaga! Issue ka ha!" Natatawang sabi ko.

"Not me no! Tsaka i know naman what's your relationship to Doc no!" Natatawang sabi niya saka sumubo ulit ng caramelized cheese popcorn.

"Ang takaw mo!" Nakairap na sabi ko. Napasimangot naman siya.

"Hindi kaya!" Tanggi niya.

"Sige lang. Sana maniwala ako hahaha." Natatawang sabi ko. Tsk.

"Ewan ko sayo. Palibhasa muka kang mag papa xray sa suot mo!" Aba siraulo talaga.

I Don't want To Leave ( FYH series) #2Where stories live. Discover now