ACCUSATIONS ARE NOT PROVEN

129 10 35
                                        

Thank you so muchhhhhh!!!!
Grabe hindi ko inaasahan na makaka- 1K reads to. Kakaiba talaga kayo aba HAHA. Shakssss.

Last August 20, we hit 600+ reads. Ngayon naman 1K na. Grabe, thank you talaga!!

Happy 1K reads Ralph And Amber🎉

Enjoy reading❤️

Ralph's POV

Nang malaman namin na nasa Baguio si Faith ay nagmadali kami nila Yanyan na pumunta kaagad doon. Ginamit namin yung SUV ni Tito Jayson.

"Sabi ni Yuenice ay nasa boundary lang daw siya malapit. On the way na rin daw siya doon." Sabi ni Tito kaya tumango kami. Si Tito Jay ang nagdadrive.

"Nagtext sakin si Mama, Pa." Sabi ni Yanyan habang nagtatype ng kung ano ano sa laptop.

"Anong sabi??"

"Ok naman daw po sila don. Mag ingat daw tayo." Tumango naman si Tito at saka nagpatuloy sa pagdadrive.

"Yanyan, may update ba?? Lumipat ba sila!" Tanong ko.

"Hindi, nandon pa din sila." Sabi niya saka binalingan si Jiro. " Sabi ni Pay tawagan mo daw siya kapag may oras ka mamaya. Antayin nalang daw niya yung tawag mo."

"Ah, oo sige." Tumatangong sabi ni Jiro.

Fuck this. Bakit kasi ang layo e. Saka bakit ba nangyayari to???

Nagtataka din ako kung bakit hindi ako tinatawagan ni Daddy. Wala ba siyang pakeelam kay Faith? Ganon ba talaga siya kasama?? Bakit parang wala silang pakeelam na nawawala si Faith?? Bakit hindi nila hinahanap?? May plano nanaman ba siya? O baka hindi niya lang alam.

"Tsk, wag ka ngang tumulala dyan! Nakakatakot ka bro. H'wag kang mag alala ok? Pupuntahan na natin si Faith." Sabi sakin ni Yanyan, tumango naman ako.

Hinsi ko maiwasang mag alala. Lalo pa ngayon at pati si Dree ay ganon ang lagay. May kutob ako na baka si Daddy ang may gawa non pero naisip ko na imposible dahil hindi naman niya kilala si Andree. Wala siyang alam tungkol kay Dree kaya bakit niya gaganunin. Hays, sana talaga hindi si dad ang may kagagawan nito dahil kapag nalaman kong siya at talagang hindi ko alam ang gagawin ko kung saka sakali.

Mahaba haba pa ang biyahe kaya mas lalo akong kinakabahan. Baka mamaya ay alisin ulit doon si Faith at hindi namin maabutan, hindi ko alam ang gagawin ko.

"Don't worry. Gusto mo ba paunahin ko na si Yuenice don?" Tanong sakin ni Jiro.

"Ah, hindi na. Baka mapahamak siya kapag mag isa lang siya don. Mas mabuti na magkakasama tayo." Seryosong sabi ko kaya tumango siya.

Nanahimik nalang ulit ako dito sa kinauupuan ko. Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako.

Nagising nalang ako ng sabihin ni Yanyan na malapit na kami sa boundary at i mi meet na namin si Yuenice.

"Nandyan daw siya Pa." Sabi ni Jiro saka tinuro yung shop na malapit.

Nang tumigil kami doon ay agad naming nakita ang isang itim na BMW, baka kay Yuenice na yon.

I Don't want To Leave ( FYH series) #2Where stories live. Discover now