Heizen's POV
Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Hala. Kalakas ng loob kong sabihin sa kaniya 'yon tapos wala akong maisip na pwedeng gawin?! Ang hirap niyang mahalin, huh? Shangina. Kailan ko pa pinangarap maging masokista? Lagi na lang niya akong sinasaktan pero imbes na tumigil ako, mas lalo ko pa siyang minahal. Fuck, right? Hah. Ewan ko rin e. Sadyang tatanga tanga lang ako.
Hindi ko naman akalain na magiging sitwasyon ko rin ito. Kung magkakaroon man ako ng boyfriend, hindi ko pinangarap na ganun kapangit ang ugali ng magiging boyfriend ko. Oo. He has the looks. He has the wits. He has everything. But he's just a human, full of flaws. He's two-faced. Deceiving everyone, making them love him even more. He has the face of an angel but has the personality of a devil.
"Hey, Zen."
Napalingon ako. Biglang kumulo ang dugo ko. Makita ko lang mukha niya, nagngingitngit na ako sa inis. "Anong kailangan mo?!" singhal ko sa kaniya.
Natawa siya sa reaksyon ko. "Easy ka lang. Haha. May rason kung bakit ko ginawa 'yon, oks?"
Alcel. I fucking hate you.
"Hmp. Yeah, right." Inirapan ko siya. Making a fool out of me, huh?
"You really like him, huh? That's unfortunate," sabi niya saka ngumiti. Sinabayan niya ako sa paglalakad. Papunta na akong classroom. Pinagtitinginan kami. Ay putspa. Ano gusto nila?! Fuck it. Ang hirap na nga lang mag-isip kung paano ako magugustuhan ni Klein tapos ganiyan pa sila?! Alam ko, walang koneksyon pero naiinis ako. Nakakabadtrip.
"It's none of your concern, Mr. Ramirez. Besides, you're not me."
"Why would you like someone like him, anyway?" tanong niya sa akin. "I'm still wondering why he chose you, though. You're too plain."
Oo. Magkaibigan nga talaga kayo. Deretso magsalita, walang pakialam kung masaktan ang nararamdaman ng iba.
"Too plain, huh?" Binigyan ko siya ng matalim na tingin. "This girl can make your life miserable in just a snap, Mr. Ramirez. I know you know that. This girl can make fun of you whenever she likes and this girl is far more clever than you." Inunahan ko na siya sa paglalakad. "Don't you dare to compare me with your toys because seriously, I can make you regret it."
Akala mo malulungkot ako porke sinabi mong plain ako?! Pax u ho! Hindi ako katulad ng ibang babae! Hindi ko pwedeng sirain ang reputasyon ko dito sa paaralan. Hindi ko iiyakan ang mga bagay na walang kwenta. Bad mood. Fuck.
Binuksan ko ang pintuan, natahimik ang lahat. Bwisit na bwisit ako. Huwag nila akong kakausapin. Kinuyom ko ang kamao ko saka masamang tinignan ang mga kaklase ko. Maraming nag-iwas ng tingin. Tch. Shangina. Umupo ako sa upuan ko. "Too plain my ass."
Binuklat ko ang notebook ko saka nagsulat. Siguro isa rin sa habit ko ang magsulat ng kung ano. I'm writing a story. It's about a guy. He is brutally murdered by the girl because he said she's too plain. I-dissect ng buhay! Parang ginagawa sa palaka! Sige, patayin mo siya!
Natigil ako sa pagsusulat nang may pumitik sa noo ko.
"Heizen, calm down."
Klein.
"Pinagtitinginan ka. Mukha kang papatay ng tao," wala man lang emosyon na saad niya.
"Hayaan mo sila. Nandito kasi sa klase na ito 'yong taong gusto kong patayin," tugon ko saka isinara ang notebook ko.
Natahimik silang lahat. Malakas ba pagkakasabi ko? Hah. Yan. Matakot kayo, putspa. Napatingin ako kay Klein na nakatingin din sa akin. "Is that your way of making me like you?" tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Thoughtless Jerk
RomanceStory of a guy who is never honest with his feelings... and a girl who fell for him.