2: Odd Emotions

306 11 0
                                    

Heizen's POV

Dalawang linggo na ang nakalipas nang naging kami ni Klein. Wala naman talaga akong pakialam e. Pero, habang tumatagal, tuwing naririnig ko ang mga kaklase kong babae na nag-uusap tungkol sa mga boyfriends nila, naiinggit ako.

All Klein did was to order me around! Should I be happy with my condition now?! Puro utos! Putspa. Kung hindi niya lang ako niligtas, sana tahimik ang buhay ko ngayon!

Pero, ano kaya ang mangyayari kung gusto ko siya at nangyari ito? Paano kung bigla akong magkagusto sa kaniya? Ano kaya ang una kong gagawin? Isa pa, mahirap siyang mahalin. Hindi ko pa nakikita 'yong tunay na ngiti niya. Hindi ko pa nakikita lahat ng bagay na gusto kong malaman tungkol sa kaniya. Pero, paano kung mahal ko na pala siya nang hindi napapansin?

Huh? Imposible. Napakaimposible. Hindi maaari. Mahirap magmahal ng taong katulad niya. Pahihirapan ko lang ang sarili ko.

"Hoy, Heizen." Bumungad ang mukha ni Klein nang buksan ko ang mga mata ko.

"Ano iuutos mo? -__-" Yeah. Hindi posibleng mahulog ako sa isang 'to.

Nakita ko na ngumisi siya. "Wala naman." Kinuha niya ang upuan sa kaharap naming desk saka umupo sa harap ko. Tapos, biglang nag-iba ang ekspresyon niya. Parang pilit niyang tinatago 'yong kaba na nararamdaman niya pero hindi ko talaga mabasa.

"M-May problema ba, Klein?" Ngumiti ako nang pilit. Titig na titig siya sa akin. Parang hinihintay akong magsalita. A-Anong gusto mong sabihin ko?!

"Wala!" Nanigas ako sa kinauupuan ko. Napakalamig. Nakakatakot. "Tch..." Narinig ko na lang na may binulong siya pero hindi ko naintindihan masyado.

Hindi, mali. Hindi ko siya maintindihan. Minsan, ang lamig na parang yelo. Minsan, bigla siyang tatabi sa akin nang walang dahilan. Minsan, parang papatay ng tao. Ang hirap niyang intindihin. Sinubsob ko ang mukha ko sa desk ko. Kahit anong gawin ko, hindi ko siya maintindihan. Kahit siguro anong pilit ko, walang mangyayari.

"Alam mo sa Linggo, lalabas kami ng boyfriend ko."

"Woaah. Kami rin! Sabi pa nga niya bibilhan niya ako ng regalo."

"Sa akin naman, susurpresahin niya daw ako sa birthday ko!"

Naiinggit ako! Alam kong hindi totoong kami pero... pero gusto ko kami din! >.

"Klein!" Tumayo ako saka naglakad papunta sa kaniya. Hinila ko siya patayo saka kinaladkad ko siya. Medyo nagtaka ako kasi hindi siya umangal. He keeps on blabbering about that 'Master-Dog' thing all the time kasi. Kapag lalabag ako sa batas niya, ang lagi niyang sinasabi, "Is that a proper way to treat your master?" Gano'n ang nangyari sa loob ng dalawang linggo.

Napadpad kami sa likod ng school. Anong sasabihin ko?! What now? Shit. Katanga ko naman.

Hindi ako makatingin ng deretso sa kaniya. "Uhh. K-Klein." Shit. Hindi ko alam ang sasabihin ko!

"What now, dog? Want me to get you a treat? Nah. You've been a bad dog. You won't get any." Nasulyapan kong nakangisi siya. Same old Klein.

"Klein. M-May gagawin ka sa Linggo?" Ang awkward.

"Bakit?" Nang-aasar ka e! >.

"G-G-Gusto ko lang na... labas tayo!" Hindi ako makatingin sa kaniya. E kasi naman, nangiinggit sila e. Saka, tinatanong nila ako tungkol sa mga ganun. Ni hindi ko siya nakakausap ng matino e. Saklap. Alam kong hindi totoong kami pero, gusto ko talaga maramdaman ang pakiramdam ng "date" e.

"Hn." Ngumisi siya saka lumebel sa akin. Medyo nilayo ang sarili ko sa kaniya pero hinatak niya ang braso ko kaya mas lalo akong napalapit sa kaniya. "It's normal for a couple to go on a date, right? You don't have to be that nervous, Heizen."

Thoughtless JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon