1: Fake Relationship

525 16 0
                                    

Heizen's POV

"Ha?!" Napakurap ako ng dalawang beses kasabay ng pagsalubong ng kilay ko. "Ano ang tingin mo sa akin, ha?! Sa tingin mo, papayag akong maging nobya mo para lang layuan ka ng mga shanggalang babae na 'yan?"

Napangisi na lamang siya saka deretso akong tinignan. Nawala lahat ng lakas ko dahil pakiramdam ko, sinaksak ako ng tingin niya. Nakakatakot! "Why are you defying me, brainless woman? You should be glad. This prince will be your fake boyfriend."

Brainless woman? Shangina. Tumawa ako ng mapang-asar. Napipikon na ako. "Ano ngayon kung ikaw ang prinsipe na kinababaliwan ng mga babae dito sa Nightshade High? Kahit gaano kataas ang tingin nila sa'yo, tao ka lang rin!"

Oo. Prinsipe. Siya 'yong tao na perpekto sa tingin ng iba. Gwapo. Mabait. Laging nakangiti. Lahat ata ng makakausap niyang babae, mahuhulog sa kaniya. Pero, ngayon, parang hindi siya ang taong nakilala ko no'ng una. Nakakatakot siya. Arogante. Gusto niya na sundin ang lahat ng sinasabi niya. Nakakainis siya. Nakakarindi.

"Yeah. I'm everyone's type. So, what? Oh yeah, I forgot. I'm your master, you're my dog. You've already forgotten, haven't you?"

Bwisit ka.

"Hoy Klein Lopez! H'wag kang mahangin! Hindi ako katulad ng ibang babae na patay na patay sa'yo--"

"You owe me your life, right?"

Napatigil ako. Oo nga pala. Siya ang taong nagligtas sa akin.

"Miss, may sasakyan!"

Huli na no'ng napansin kong may sasakyang papalapit sa akin. Napapikit na lamang ako. Pero, pagkamulat ko ng mga mata ko, yakap yakap ako ng lalaking hindi ko kilala. Nakahiga kami pareho sa gilid ng kalsada.

"You careless bitch," bulong niya sa akin. Hindi ako nakaimik sa sobrang pagkabigla. "You're really stupid. Sa susunod na magpakatanga ka, siguraduhin mong hindi mo itataya ang buhay mo!" singhal niya sa akin saka tumayo.

"Ms. Heizen Cruz, you owe me your life," nakangisi niyang sambit saka ako hinila patayo.

"T-Thank you," tanging lumabas sa bibig ko. "T-Teka. Paano mo nalaman ang pangalan ko-" Napatingin ako sa mukha niya, natigilan ako.

"Nevermind that. From now on, I will be your master, and you will be my dog." Ngumisi siya saka naglakad paalis.

Siya si Klein, hindi ba?! Siya 'yong kaklase ko! Shangina. Ba't kasi ang tanga ko?! At ako, aso?! Kagaguhan!

Akala ko hindi niya seseryosohin. Pero, simula no'ng insidenteng 'yon, hindi niya na ako tinitigilan. Tuwing kaharap niya ang ibang tao, mala-anghel ang aura niya. Laging nakangiti. Ni minsan, hindi ko nakitang kumunot ang noo niya sa inis. Tinatanggap niya lahat ng regalong ibinibigay sa kaniya na may ngiti sa labi. Pero, bakit no'ng nakilala ko siya, kabaliktaran ng pinapakita niya sa iba?!

"Oo na!" Kahit ano ang sabihin ko, talo pa rin ako. Niligtas niya ako. Habang buhay kong utang sa kaniya iyon.

Lumapit siya sa akin saka ngumiti. Ginulo niya ang buhok ko. "Good dog," sabi niya.

Napahinga na lang ako ng malalim. Wala nang atrasan ito.

Heizen Cruz. Sixteen. Fake girlfriend ni Klein. Sa klase, lagi akong pumapangalawa sa kaniya sa academics. Hindi ako sikat. Amazona nga daw ako. Hindi ako gano'n kaganda. Pero, takot sa akin ang kalalakihan. Si Klein, sa totoo niyan, hindi naman kami close. Hindi ako isa sa mga babae na nahuhumaling sa kaniya. Hindi nga rin halata na ayaw niya ng atensyon dahil lagi siyang nakangiti. Sabagay, lahat tayo nakatago sa likod ng maskara.

Thoughtless JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon