3: I Fell for Him

269 10 0
                                    

Heizen's POV

"TAPOS NA!" Agad akong humarap sa salamin para tignan ang itsura ko. Siguro isang oras akong naghanap ng damit na babagay sa akin kaso ano e, wala akong dress. Pero, nah. Oks na sa akin ang leggings, doll shoes at blouse! O'diba? Mukha akong babae! Ngayon lang din naman ako magsusuot ng ganito.

"Anak, nandiyan na si Klein." Made it in time! Nagdala ako ng pera, siyempre. Madami akong gustong kainin e. Di ko rin naman alam kung paano ang date e. Ang alam ko lang e, babae at lalaki magkasama lalabas!

Pagkalabas ko, naghihintay siya sa labas. Ripped-jeans, t-shirt at rubber shoes. Kung isa lang ako sa mga nahuhumaling sa kaniya, magtatalon ako dito sa tuwa. Hahaha.

"Klein," tawag ko sa kaniya nang nakangiti. Napatingin siya sa akin. Ang lamig ng tingin niya.

"You're 15 seconds late," sabi niya nang nakangiti. Nakakatakot na ngiti.

"Ehe." Napakamot ako sa ulo ko. Nakalimutan ko atang magsuklay. Yung damit ko lang ang maayos. Nah. Di naman ako nagsusuklay minsan.

"Halika na." Nauna siyang naglakad sa akin. Saan kaya kami pupunta?

Bakit, bakit parang bigla akong lumungkot? Bakit nawala ang galak sa puso ko? Napayuko na lamang ako.

Hindi naman talaga kami. Pinagbigyan niya lang ako para rin siguro magmukhang kami. Pero, bakit nasasaktan ako?

"Hoy, Heizen. Bakit ang tagal mo maglakad? Masasayang oras natin dito e," sita niya sa akin.

"S-Sorry," bulong ko saka binilisan ang paglalakad. Ngayon naman, mas nauna na ako sa kaniya. Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.

Gusto ko atang umiyak. Ano ba yan. Umagang umaga. Ni hindi pa namin nasisimulan ang araw namin. Nagulat ako nang may nakabangga ako. Napaupo ako sa lupa. Gusto nang lumabas ng mga luha ko. Hindi pa ako tumatayo. Baka bigla akong umiyak.

"Miss, ayos ka lang?" tanong nung nakabangga ko. Lalaki siya.

"O-Oo. Sorry," sambit ko.

"Tulungan na kitang tumayo," sabi niya. Iniangat ko ang mukha ko para makita ko ang mukha niya.

Kyle.

"O, Heizen." Ngumiti siya saka inilahad ang kamay niya. "Tumayo ka na."

Inabot ko naman ito saka niya ako hinila patayo. "Salamat."

Nabigla ako nang may humatak sa kamay ko na nakahawak sa kamay ni Kyle. "Heizen, halika na."

Klein. Naiiyak na ako. Bakit ang hirap mong intindihin?

Tumingin ako kay Kyle saka pilit na ngumiti. "Salamat, ha?"

"Klein. We're best of friends, right? Why are you glaring at me?" tanong ni Kyle kay Klein nang nakangisi.

Best friend ni Klein?

"And, Heizen, be sure to take care of yourself." Kumindat siya sa akin saka naglakad palayo.

Kinaladkad na ako ni Klein. Hindi ako umimik. Ayoko na. Nasasaktan ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

"Heizen," tawag niya sa akin.

"Hmm?"

"S-So--, Saan tayo pupunta?" tanong niya sa akin.

"Diba ikaw ang bahala doon?"

"Di ko naman alam kung anong gusto mo," mahinang sabi niya.

Medyo napangiti ako. "Karaoke," sabi ko.

Thoughtless JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon