7: I Want to Fall for Him

209 9 2
                                    

Heizen's POV

"Sabi ko naman sa'yo, itigil mo na kung nasasaktan ka na," sabi ni Celine, "lagi ka na lang nagrereklamo tapos itutuloy mo pa din? Masokista ka."

Napanguso ako. "E kasi naman..." okay. Wala akong masabi. Sinubsob ko ang mukha ko sa mesa. Mahal ko na siya e. Kahit ata saktan niya ako ng paulit ulit, wala lang. Pero may limitasyon, hindi ba? Pati naman ang pasensya ko, may limitasyon.

He's just that. Ruthless. Thoughtless. Lahat na ng -less na may adjective suffix na sa kaniya na.

"Papasok na si Klein!" sigaw nung isang babae na kaklase ko.

O? Problema nila?

"Tanungin mo nga kung wala na sila ni Heizen."

Putspa. Naririnig ko kayo.

"Heizen, may nakakita kasi sa inyo kahapon. Yung mga panahong tumakbo ka na umiiyak. Akala nila wala na kayo," bulong sa akin ni Celine.

"Tch. Screw that shit." Hindi ko na sila pinansin. Kung alam lang nila ang buong kwento, walang rumors na ganiyan.

Narinig ko na lang ang pagbati nila kay Klein maliban ako. Wala ako sa mood. Saka isa pa, I'm different from them. Pero narinig ko ang bulungan. Puro 'Akala ko ba wala na sila?'

Pagka-angat ko ng mukha ko, nakita ko mukha ni Klein. Nabigla ako pero pinilit kong huwag kiligin. He he.

"Anong problema mo?" tanong ko sa kaniya, "pinagtitinginan tayo o."

Nakita kong ngumiti siya. "You're my girlfriend, right? Why didn't you greet me 'Good Morning'?"

Iniwas ko ang tingin ko. "G-Good Morning," bulong ko. "...master." Saka ngumisi.

Nakita kong nabigla siya sa sinabi ko pero ngumiti. Ginulo niya ang buhok ko. "...good dog."

Ngumiti lang ako. Oo. Mahal ko na itong gagong ito. Mukhang depressed ang mga kababaihan. Napangisi ako. Yan. Assuming hurts.

----------

"Sasamahan mo talaga ako?!" Napangiti ako ng malapad saka siya tinignan.

"Yeah. It's more annoying when you sulk at the corner and pout your lips," sagot niya.

Ngumuso ako. "Mean," sambit ko.

Ngumiti lang siya ng nakakaloko. "See? You're already pouting."

Inirapan ko na lang siya. "Whatever."

Naglakad kami pareho papuntang grocery store. Yeah. Sasamahan niya akong mag-grocery ng mga pagkain. Pagkain ko sa kwarto. He he. Buti nga pumayag e. Minsan lang siya sumama sa amin... sa akin.

Biglang sumakit 'yong tiyan ko. Hala. Napahawak ako sa tiyan ko. Bakit biglang sumakit? Napatigil ako sa paglalakad. Parang pinipiga. Saglit, may nakain ba ako?

Hindi ata ako napansin ni Klein kasi dere deretso siyang naglalakad. Napaupo ako sa gilid ng kalsada saka yumuko. Ang sakit talaga. Fuck.

"Heizen, are you alright?" Narinig ko na lang yung footsteps niya papunta sa akin.

"My stomach..." bulong ko. "It hurts."

Nagulat ako nang bigla niya akong binuhat. "Anong ginagawa mo?!"

"Shut up," pagpapatahimik niya sa akin. "I'm doing you a favor so just shut up."

Alam niyo yung buhat na parang bagong kasal? Gano'n. Pax. Dapat na ba akong kiligin? Pero pax talaga. Wrong timing. Masakit tiyan ko. >3<

Idinala niya ako sa malapit na restaurant. Bakit niya ako dinala dito?

"Stay here," sabi niya saka niya ako binaba sa may upuan. "I'm going to order some tea. Drink it. I'll go buy some medicine or... whatever. Stay put." Iniwan niya ako doon nang hindi hinihintay na mag-react ako.

Thoughtless JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon