8: My Heartaching Decision

200 11 0
                                    

Heizen's POV

Seryoso talaga siya. Hindi ako makapaniwala. Una sa lahat, hindi kami magkaklase. Pangalawa, kailan ko lang siya nakilala at nakausap. Pangatlo, hindi ko na alam ang dapat kong reaksyon o maramdaman.

Si Klein? Ayun. Hindi pa rin ako pinapansin. Walang pagbabago.

"Heizen, may naghahanap sa'yo sa labas."

Napatingin ako sa may pintuan; si Kyle ang bumungad. Nakangiti ito saka kumakaway sa akin. Ngumiti ako pabalik saka siya pinuntahan doon.

"May problema ba, Kyle?" tanong ko sa kaniya.

"Gusto mo bang sabay tayo mananghalian?"

"Sige ba!" Nagpaalam ako kay Celine saka sumama sa kaniya.

Oo. Seryoso talaga siya. Ano ba ang dapat kong desisyon? Maging masaya sa piling ni Kyle kasi alam kong hindi ako masasaktan, o mananatili sa tabi ni Klein hanggang sa matutunan niya rin akong mahalin?

Naguguluhan na ako.

Bumili si Kyle ng pagkain samantalang ako, naiwan sa bakanteng mesa. Medyo matagal si Kyle. Sinundan ko siya. Nakakabagot mag-isa sa isang lugar na puno ng tao. Hinanap ko siya. Saan na ba siya?

Agad akong nagtago nung nakita ko sila ni Klein na palabas ng canteen. So balak ni Kyle na iwan ako? Nagyaya pa siya. Sinundan ko silang dalawa nang nagtatago.

Napadpad silang dalawa sa likuran ng eskwelahan. Hala. Anong gagawin nila?

Nagtago ako sa likuran ng puno na malapit sa kanila. Yaoi na ba ito? Kasasabi lang ni Kyle na gusto niya ako e. Hahahaha!

"Tell me, Klein," seryosong panimula ni Kyle. Natigilan ako. Ganiyan din kasi yung paraan ng pagkakasabi niya noong sinabi niyang gusto niya ako. Napatakip ako ng bibig para hindi nila mahalata na may nakikinig sila. Effective siguro ito. Masyado kasing tahimik, baka pati paghinga ko marinig nila.

"Do you really love Heizen?"

Napasinghap ako. Biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko. Ngayon, malalaman ko na ang sagot. Ngayon, magdedesisyon na ako. Kaya please lang, Klein, sagutin mo ng tama ang tanong. Nagmamakaawa ako.

"No," walang emosyon niyang banggit. Walang hesitasyon. "She's just a mere toy; a way to kill time."

Natigil ang pag-ikot ng mundo ko. Para akong sinaksak ng paulit-ulit. Umasa ako, Klein. Umasa ako na kahit katiting na pagmamahal, maibibigay mo sa akin. Gusto ko siyang sugurin. Pinagmukha niya akong tanga. Ang sakit. Ang sakit sakit, Klein.

"Bastard," rinig kong bulong ni Kyle. Napaupo naman ako dahil sa pang hihina. "So, it's okay, right? It's okay to steal her from you."

Dinukdok ko ang mukha ko sa aking tuhod. Hindi ko alam. Ganito pala talaga kapag sobra kang nasaktan. Ganito pala kapag nalaman mo ang totoo.

Salamat, Kyle. Minulat mo ako sa katotohanan. Pinilit kong tumayo. Pinagpag ko ang sarili ko saka huminga ng malalim.

Heizen, prepare for the worst.

"Bahala kayo sa gusto niyong gawin," sagot ni Klein.

Napangiti na lamang ako ng pilit saka naglakad palayo. Bumalik ako sa canteen. Tulala. Gano'n na lang ba 'yon? Sige. Nakapagdesisyon na ako.

Ilang minuto pa'y dumating si Kyle bitbit ang binili niyang pagkain. Tinignan ko siya, parang walang nangyari kanina. Hindi nila ako nahalata. Ano kayang gagawin ni Klein kapag nakita niyang mayroon ako doon, nakikinig sa usapan nila? Ano kaya ang magiging reaksyon niya?

"Kyle," tawag ko sa kaniya.

Tumingin siya sa akin. "Bakit?"

"Nakapagdesisyon na ako."

Thoughtless JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon