Heizen's POV
"Sigurado ka ba sa desisyon mo?" tanong ni Celine sa akin. "Halata namang pinipilit mo lang ang sarili mo na tanggapin lahat ng ito."
Ngumiti ako ng malapad. "Celine, wala rin akong mapapala kahit magmukmok ako sa isang sulok."
"Wala ka rin namang mapapala kahit magpanggap ka diyan."
Inirapan ko na lang siya at hindi na nagsalita pa. Wala kang magagawa, Celine. Kahit naman ano ang gawin ko, nasasaktan pa rin ako. Wala akong magagawa kung hindi tanggapin lahat ng sakit hanggang sa mawala ito.
"Bakit kaya gano'n, no?" basag niya sa katahimikan. "Kahit matalino ang tao, nagiging tanga sa pag-ibig."
Ngumiti na lang ako ng pilit. "Isipin mo na lang... ginagawa mo lahat para lang mahalin ka pabalik ng taong mahal mo. Kahit napakaimposible, gagawin mo. Ganun yun e. I was desperate. I want him to fall in love with me. I got blinded. And, here I am... blinded because of love."
Napangiti na lamang si Celine. "I'll support you no matter what. I'm your best friend anyway."
Nagulantang kami pareho nang may bumusina sa tapat ng bahay. Nagkatinginan kami saka tumawa.
"Your Kyle is here. Make sure you decide for your happiness, okay? And, don't make him wait for too long. You know how it feels, right?" Niyakap niya ako. Narito kasi siya sa bahay namin. Wala kasi si mama. Nagpasama ako sa kaniya. Pakiramdam ko kasi... mas lalo akong malulungkot kapag mag-isa ko.
"Bye, Heizen. Enjoy your day!" Kumaway siya nang nakangiti. Ngumiti ako pabalik saka pinuntahan si Kyle na naghihintay sa labas ng bahay. Simple lang suot namin pareho.
Nang makita niya ako, ngumiti siya. "Hello, Heizen."
"Hi. Looking good today." Ginantihan ko siya ng ngiti.
Tumawa siya ng mahina. "Ikaw talaga." Kinurot niya yung pisngi ko. "Tara na."
Sumakay na ako sa sasakyan niya. Pati siya. Nagsimula na siyang magmaneho. "Where are we going?" tanong ko.
"Anywhere's fine... as long as I'm with you," sabi niya saka ako sinulyapan para lang kumindat.
Medyo kumabog yung puso ko. "Gashong! Tigl-tigilan mo ako sa kakornihan mo!" Tumawa ako ng malakas. "Hindi mo ako makukuha sa ganiyan." Lalo pa't yung minahal ko, puro nakakasakit na salita ang lumalabas sa bibig.
"Hindi ka kasi nasanay, ano?"
Ngumiti lang ako ng pilit at hindi na nagsalita pa. Sana nga, magbago agad ang nararamdaman kong ito. Gusto kong mahalin pabalik si Kyle. Gusto kong maranasan niya ang pagmamahal ko. Pagkatapos ng araw na ito, magdedesisyon ako. Titignan ko kung kaya kong lubusang kalimutan si Klein saka ko mamahalin si Kyle.
"Kyle," tawag ko sa kaniya nang hindi tumitingin sa kaniya.
"Hmm?" sagot niya.
"I will try to give you my answer tonight."
----------
"Wow." Lumaki ang mga mata ko pagkatapos kong igala ang paningin ko. Ang ganda dito!
"Sabi ko na nga ba magugustuhan mo dito e," sabi naman ni Kyle saka ngumiti.
Narito kami sa parang Ocean Park. Napapalibutan kami ng iba't ibang klase ng mga underwater creatures. Napatingala ako sa taas, may mga malalaking isda. Nakalimutan ko na 'yong tawag. Di naman ako mahilig sa mga underwater creatures. Nakakamangha lang. Gusto ko tuloy magkaroon ng bahay na napapalibutan ng tubig. Siguro, kahit kaunti, mababawasan 'yong stress na nararamdaman ko kasi sa paligid ko, makikita ko mga sea creatures na walang ginawa kung hindi ang lumangoy; makikita ko ang napakabughaw na tubig; mapapangiti ako sa ganda ng paligid.
BINABASA MO ANG
Thoughtless Jerk
RomanceStory of a guy who is never honest with his feelings... and a girl who fell for him.
