5: Hey, I Like You

228 11 0
                                    

Heizen's POV

"Heizen!"

Lumingon ako saka ngumiti. Kyle talaga. Parang bata kung umasta. "Ano problema natin, Kyle?"

"Papasok ngayon si Klein! Bakit nung dinalaw mo siya saka siya gumaling? May kapangyarihan ka ba?"

Natawa ako. "Wala! Pina-inom ko lang siya ng gamot. Saka, binilinan ko lang kaunti. E halos hindi kumakain. Ni wala siyang pagkain sa ref niya. Tss. Kaya hindi siya gumagaling e."

"Para kang nanay! Hahaha!"

Napanguso ako. "E paano naman kasi--"

"Biro lang, biro." Tumawa siya ng mahina saka ako tinignan. "Sige, aalis na ako. Medyo kailangan ako sa Student Council. Jeez. Being a Student Council President is tiring," sabi niya saka huminga ng malalim. "See you around, Heizen!"

Ngumiti ako saka tumalikod na. Papasok na ako sa school. Mehe. Makakapasok siya ngayon. Sinabi niya sa akin kahapon. Pero, ngayon lang nag-sink in lahat ng pinaggagawa ko. Hala. Nakakahiya, putspa.

Para akong--- a-a-asawa?! O fudge. O fuck o fuck. Hala! Hindi ko na siya mahaharap! Nakakahiya! Hala. Hala itong imahinasyon ko! Hala! Hala! Napasapo ako sa noo ko. Kinikilig ba ako? Hala. Grabe. Hala talaga!

"Hoy, Heizen."

Natigilan ako saglit. Boses 'yon ni Klein, a? Saka, nasa tapat ko siya ngayon. Kumunot ang noo niya saka ako nilapitan. Hala. Hindi ako makagalaw. "Bakit ang pula ng mukha mo? Nahawa ka ba sa sakit ko?"

Akmang hahawakan niya ako, agad akong lumayo. "H-H-Hindi! Ayos lang ako! Ha ha! Huwag kang mag-alala," sabi ko saka ngumiti.

Nakita kong ngumisi siya. "I'm not worried about you. Is it your job to risk your life for your master? It's in your nature, right?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Parang nadurog ng husto itong puso ko. Iniwan niya ako doon. Ang sakit niya magsalita.

Klein, ano ba talaga ako sa'yo?

----------

"Heizen!"

May humatak sa braso ko pabalik. "H-Huh?"

"Balak mo bang magpakamatay?!" singhal niya sa akin.

Unti unti kong nilingon 'yong dinadaanan ko. Hagdanan. Hindi ko napansin. "Salamat, Alcel."

Alcel Ramirez. Kaklase ko. Siya 'yong taong hindi makabasag pinggan. Ngayon ko nga lang narinig boses niya bukod sa nagrerecite siya sa klase. Nang makita niyang nakahawak pa siya sa braso ko, agad niyang tinanggal saka umiwas ng tingin. "S-Sorry. Nakatulala ka kasi. Kanina ka pa sa klase. Alam kong hindi ka okay. Pero, kung gusto mo, sabihin mo sa akin." Ngumiti siya ng tipid. "Sige, aalis na ako."

"Sige. Salamat, a?"

Napaupo ako sa hagdanan. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin. Pero naman kasi! Inalagaan ko na siya. Pero, bakit ganun? Napakagat ako sa labi ko. Ang sakit.

"Heizen," tawag sa akin.

Iniangat ko ang ulo ko. Hindi siya makatingin ng deretso sa akin. "May problema ba?" tanong ko sa kaniya.

"W-Wala. Huwag ka diyan sa hagdanan, magmumukha kang tanga," nakangiting sabi niya.

Hala. Kagwapo pala ng isang 'to. Kaso kasi, natatakpan ng buhok niya 'yong isang mata niya. Tumayo ako saka itinaas ng kaunti ang buhok niya. Nagulat siya sa ginawa ko. "Kung ako sa'yo, hindi ko itatago 'yong mukha ko. Hindi nila makikita 'yang mukha mo e. Kagwapo mo pa man din!" Ngumiti ako ng malapad.

Iniwas niya ang tingin niya sa akin saka ngumisi. "Jeez, Heizen. Kaya pala nagkaroon ng interes sa'yo si Lopez."

"Huh?"

Thoughtless JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon