Heizen's POV
Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko. Thursday. Makikita ko si Klein. Suot suot ko ang kwintas na ibinigay niya. Korona ang design. Ang cool nga e. Akala ko talaga seryoso siya doon sa collar at tali na para sa aso. Pero, baka tatanggapin ko rin kapag 'yon talaga ang binigay niya. Galing sa kaniya, e. Tatanggapin ko pa rin 'yon.
Pagkapasok ko sa klase, lahat sila tumahimik. Anong problema? Hindi naman ako nakangiti na parang baliw. Hindi naman nakakatakot ang aura ko, normal lang. Hindi ko na lang sila pinansin kaya nagtuluy-tuloy ang pag-uusap usap nila. Kumunot na lamang ang noo ko.
"Heizen," tawag sa akin ni Celine. Lumapit ako sa kaniya. "Hiwalay na ba kayo ni Klein?"
"Huh? Hindi! Bakit mo natanong?"
"Kasi, diba kahapon lumapit sa atin 'yong Kyle ba 'yon? Oo, siya. Tapos diba, hindi kayo nagpapansinan ni Klein kaya akala ng lahat, naghiwalay kayo at pumalit si Kyle."
Lumaki ang mga mata ko. "What the fuck? Lumapit lang si Kyle sa akin, kami na agad?! Hala. Kagaguhan." Tumawa na lang ako. "Pero, hayaan mo na. Wala naman akong pakialam." Hindi naman kami.
"Tignan natin kung darating si Klein at mababalitaan niya lahat ng rumors na 'yan," nakangiting sabi niya.
"Sus. Alam mo naman na hindi talaga kami," bulong ko sa kaniya, "ginagawa ko lang ito kasi niligtas niya ako at ayaw na niyang istorbohin siya ng mga babae."
"Talaga lang, huh?" Ngumisi na lamang siya saka bumalik sa upuan niya, pati ako. Napatingin ako sa orasan. Malapit nang dumating 'yong guro, asaan ka na, Klein?
Dumating na ang guro, hindi pa rin sumisipot si Klein. Nag-aalala na ako.
Kalagitnaan na ng leksyon nang may kumatok sa pintuan ng classroom namin. Bumungad si Kyle. Napuno naman ng tagong tilian sa amin saka matatalim na tingin sa akin mula sa mga kababaihan.
Putspa.
"Sir, hindi po makakapasok si Mr. Lopez ngayon. Nagkasakit po siya," sabi niya nang nakangiti. "Common cold lang naman po. Ipapakita na lang daw po niya ang medical certificate niya kapag po nakapasok na siya. Thank you po."
"Thank you, Mr. Gimenez. You can go now," nakangiting sabi nung guro saka ipinagpatuloy ang pagsasalita sa harap samantalang si Kyle, umalis na.
May sakit pala siya. Bakit hindi man lang niya nasabi sa akin kahapon? E mukha naman siyang okay. Bakit kay Kyle niya pa sinabi e kaklase ko siya? At, ako ang fake girlfriend niya. Karapatan ko ring malaman, hindi ba?
"Ms. Cruz," tawag sa akin nung guro.
Tumayo agad ako. "Yes, sir?"
"Why do people get depressed to the point that they want to end their lives?"
Siguro, maraming nagdiriwang. Nahuli ata akong nakatulala. Buti na lang Values Education ito. Once a week lang kami nagkikita. At, madali lang ang mga tanong niya.
"Sir, in my own opinion, humans tend to think that they have no one to lean on to. They are alone— No. They think they are alone. Those negative thoughts about themselves are like a never ending song that keeps on playing inside their heads." Mukha namang sumang-ayon si Sir. E opinionated naman. Tuluy-tuloy na ito. "And sir, psychologically speaking, kapag naranasan na nila lahat ng klase ng burn-out, doon lamang nila maiisip ang magpakamatay. Depression is like you're underwater; you can't breathe no matter how hard you struggle. You can't breathe no matter how hard you try. The only difference is, all those people surrounding you can."
Tumingin sa akin si Celine saka nagthumbs-up. Nginitian ko siya. Samantalang 'yong iba, hindi maipinta ang mukha. Hala. Tama naman, hindi ba? Saka isa pa, walang mali na opinyon.
BINABASA MO ANG
Thoughtless Jerk
RomantikStory of a guy who is never honest with his feelings... and a girl who fell for him.