Epilogue: True Emotions

315 13 0
                                    

Heizen's POV

"Klein..."

Lumapit siya sa amin saka agad hinila ang kamay ko papunta sa kaniya. "I'm taking her back."

Ngumiti si Kyle. "Make sure to treasure her this time, okay?"

Hindi umimik si Klein, bagkus ay kinaladkad niya ako paalis. Nilingon ko si Kyle. Nakangiti lang siya na nakatingin sa amin.

Napatingin ako sa likod ni Klein. "Klein, ano bang ginagawa mo?! Bitawan mo nga ako!"

"Nope."

"Akala ko ba wala kang pakialam sa akin? Anong ginagawa mo dito? Klein naman. Hindi ba isa lang akong pampalipas oras mo? Bakit?"

Hindi siya umimik. Pinagpatuloy niya ang paglalakad.

Napapikit ako ng mariin. "KLEIN!"

"Tch, so noisy." Humarap siya sa akin saka ako hinila palapit sa kaniya. Dumampi ang labi niya sa labi ko. Lumaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

Isa. Dalawa. Tatlo.

Hiniwalay niya ang labi niya sa labi ko. "Naiintindihan mo ba?"

Hindi ako nakagalaw. Parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko. "H...indi."

Unti unting pumatak ang mga luha ko. Hindi ko maintindihan. Wala akong naiintindihan. Natulala ako.

"Is the kiss not enough?"

Tinignan ko siya. "A kiss can mean goodbye, Klein."

Hindi siya nakaimik. Napangiti na lang ako. "Paano ko maiintindihan, Klein, kung hindi mo sinasabi sa akin; kung hindi mo pinapakita sa akin?"

Bumagsak na ang mga luha ko. Hindi siya makapagsalita. Bakit kasi hindi mo na lang sabihin? Gano'n ba kahirap sabihin ang tunay mong nararamdaman? Unti unting gumalaw ang sarili kong paa. Tumakbo ako palayo sa kaniya. Malabo ang nakikita ko dahil sa luha. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam ang direksyon.

Wala akong ibang maisip kung hindi ang tumakbo; tumakbo dahil masyadong masakit; tumakbo upang kahit sandali, mapagod ako... mapagod akong mahalin siya; tumakbo upang makatakas sa mapait na realidad.

Ngunit, sa isang nakabibinging pagsigaw ng pangalan ko at ang malakas na pagbusina ng sasakyan... napapikit ako. Kung ano man 'yon, bahala na.

Mukhang ako ang unang mamamaalam.

---------

Klein's POV

"HEIZEN!"

Aabutin ko ba? Naroon siya, sa gitna ng kalsada. Maabutan ko pa ba?

Kailangan. Kailangan ko siyang iligtas. Hindi siya pwedeng mawala... ngayong nasa harap ko na uli siya.

Tumakbo ako ng napakabilis.

Hindi pa magtatapos dito ang lahat.

"HEIZEN!" sigaw ko ulit.

Pakiramdam ko naramdaman ko lahat ng sari-saring emosyon habang papalapit sa kaniya. Takot na mawala siya. Lungkot dulot sa pagkawalay niya sa akin. Sakit na habangbuhay kong mararamdaman kapag nawala talaga siya.

Naging mabagal ang pagtakbo ng oras. Kaunti na lang, Heizen. Inilahad ko ang kamay ko upang maabot ko siya. Nakapikit pa rin siya, waring naghihintay kung ano ang susunod na mangyayari.

Ayokong mawala ka, Heizen.

Sa isang iglap, yakap yakap ko na siya at parehas kaming nakahiga sa gilid ng kalsada. Hinihingal ako sa sobrang pagod. Nakaabot. Naligtas kong muli siya.

Thoughtless JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon