Chapter 16

3K 96 17
                                    

Nagtaka si Faith kung bakit imbes na sa parking lot sila pumunta ni Drake nang mga oras na iyon ng gabi ay sa rooftop sila nagtungo ng binata kung saan naroon ang helipad area na ipinasadya mismo ng asawa ng may-ari ng Alonzo Hospital na si Mr. Glen Johnson.

"Anong gagawin natin dito? Hindi pa ba tayo uuwi?" Nagtatakang tanong nya sa binata.

Napanganga sya at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang isang helicopter.

"May pupuntahan tayo. Wala ka namang duty bukas, di'ba?"

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong nya pa uli.

"Surprise ko 'yun sayo." Nakangiti naman nitong sagot sa kanya.

Buong buhay nya ay hindi nya pa na-experienced ang sumakay sa helicopter kaya pumayag na lang sya. Kunut-noo nyang pinakatitigan ang binata. "Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko 'yang surprise na sinasabi mo, ha." Saad nya dito.

"Sinisuguro kong magugustuhan mo ang surprise ko sayo." Sagot naman nito sa kanya saka iginiya na sya pasakay sa Helicopter na naghihintay sa kanila.

"Saan ba kasi tayo pupunta para kailanganin pa nating gumamit ng helicopter?" Naiintriga at naiinip nyang tanong dito nang makaupo na.

"Sa Palawan." Simpleng sagot naman nito sa kanya.

"Sa Palawan?!" Gulat nya namang bulalas na ikingiti lang naman nito. Expected na siguro nitong magugulat sya kaya wala itong naging reaksyon maliban sa ngiti. Now she know na kaya pala helicopter ang gamit nila dahil malayo naman pala ang kanilang pupuntahan. "Ano naman ang gagawin natin doon?" Tanong nya pa rin.

"Surprise nga di'ba?" Sagot naman nito sa kanya. "Basta relax ka lang dyan. Malalaman mo rin kapag naroon na tayo." Dagdag pang sabi nito sa kanya.

She rolled her eyes and took a deep breath. "Fine." Saad nya na lang. Sumandal sya at ipinikit ang mga mata.

Maya-maya pa ay naramdaman nya nang umaangat na sila sa ere.

"Paalis na ba tayo?" Naka-pikit ang matang tanong nya kay Drake.

"Yes." Tipid naman nitong sagot sa kanya.

Automatiko syang napadilat tapos ay nae-excite na sumilip sa bintana. Nasa ere na nga sila. At kitang-kita nya ang magandang tanawin mula sa ibaba. Mga iba't ibang kulay ng mga ilaw na animo'y mga bituin sa kalangitan. Hindi nya tuloy napigilang mapangiti dahil sa nararamdamang tuwa. Para kasi syang nakakita ng kalawakan sa ibaba habang binabagtas nila ang himpapawid!


Pagdating nila sa Palawan ay sa Del Fierro Hotel sila tumuloy ni Drake. Ang mamahaling Hotel na sikat sa buong pilipinas at sa iba't ibang bansa na pag-aari ng magkambal na sina Raver at Raven.

"Ano ba ang gagawin natin dito sa Palawan?" Puno na ng pagtatakang tanong nya kay Drake nang mga oras na iyon ng gabi.

Nilapitan sya nito at ginagap ang kanyang mga pisngi.

"Magpahinga ka na. Bukas na bukas, may pupuntahan tayo." Sagot na sabi lang nito sa kanya.

Napakunut-noo sya.

She pouted her lips. "Saan naman yun?" Kunut-noong tanong nya naman dito.

"Basta. Its a surprise." Sagot naman nito. "But I'm hoping na sana magustuhan mo." Mahina pa nitong dugtong.

She took a deep breath.

"Sige na, magpahinga ka na." Utos na nito sa kanya.

Dalawa ang kwarto ng hotel na inukopa nila. Gagamitin nya ang isa at ang isa naman ay kay Drake. Marangya ang ayos at kagamitan doon. Pero ang ipinagtataka nya ay bakit sila naroon sa lugar na iyon? Anong pinaplano ni Drake? This past few days ay ilang beses na syang ginugulat nito. Basta-basta na lamang itong kumikilos ng hindi manlang sya ini-inform! At ngayon ay may panibagong gimik na naman itong inihahain para sa kanya. Hindi pa naman sya nakapagpaalam sa President ng Alonzo. Nakakahiya. Pero mukhang alam na yata ng may-ari ang dahilan dahil kaibigan ni Drake ang asawa ng Alonzo. Iba na talaga ang malakas ang kapit!

Billionaire Man's Affection Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon