Chapter 8

2.5K 81 4
                                    

Abala sa harap ng laptop ang atensyon ni Drake habang hinihintay na matapos ang kanyang niluluto. May two hours pa naman sya bago sunduin si Faith sa Alonzo.

Napalingon sya sa kanyang niluluto. Tumayo sya upang i-check kung maayos na ito. Kumuha sya ng sandok at hinalo ang recipe na kanyang ginawa tapos ay tinikman iyon.

"Hmmm... the taste is good." Mahinang sabi nya saka ngumiti. "Sana'y magustuhan ka ni Faith." Dagdag nya pang sabi.

He turned off the stove and tinakpan ang kaserola, tapos ay muling hinarap ang kanyang ginagawa sa laptop. At dahil nawili sya sa kanyang ginagawa ay hindi nya na namalayan ang paglipas ng oras.

"Thanks god, nakatapos din." He said while stretching. And then sinulyapan ang kanyang wristwatch. Napakunut-noo sya dahil pasado alas otso na ng gabi. He tapped his forehead dahil sa katangahan. And then he silently wished na sanay hindi galit o naiinis sa kanya si Faith dahil mahuhuli na naman sya sa pagsundo dito.

Tumayo na sya sa kanyang kinauupuan at nagmamadaling nagtungo na sa sala, pero sakto namang bumukas ang pintuan ng unit. Pumasok doon si Faith.

"Oh, your still here?" Tanong ni Faith sa kanya. Bahagya pa syang napakunut-noo dahil sa tono ng pagkakasabi ng dalaga ay parang inaasahan na nitong hindi na sya nito maaabutan sa unit nito.

"Ah, yeah." Sagot nya na lang sa dalaga. "Paalis na sana ako para sunduin ka. But I think, I'm late again." Dagdag nya pang sabi.

Nginitian lang sya ng dalaga. Faith turned her gaze out side the door. "Come In." Sabi nito and then she smiled.

Napakunut-noo sya. At mas lalong lumalim ang gatla sa kanyang noo ng makita ang kausap nito sa labas ng pinto. Isang lalaki. At dahil matalas ang kanyang memorya ay madali nyang natandaan at nakilala ang bisita ni Faith.

Ito yung lalaking naghatid sa dalaga noong gabing nahuli sya sa pagsundo dito!


"Come In!" Yakag na utos ni Faith kay Dr. Alex ng mga oras na iyon ng gabi. Hinatid sya nito sa kanyang tinitirahan dahil for the second time, hindi na naman tumupad si Drake sa pangako nitong susunduin sya.

Well, wala na rin naman syang pakialam pa kung ano ang dahilan nito. Wala rin naman syang mapapala kung pakikinggan nya pa ang paliwanag nito. afterall, wala naman silang relasyon para magdrama sya dito. Eh, trabaho lang naman ang reason kung bakit ito nasa pamamahay nya di'ba?

Speaking of relasyon, Bakit ba iyon ang pumasok sa isipan nya? Pwede namang gumamit ng ibang words. Ipinilig nya na lang ang kanyang ulo para mapalis ang kung anu-anong pumapasok sa utak nya.

Pumasok si Doc. Alex Martin sa loob ng kanyang Unit.

"Have a sit." Utos na alok nya sa lalaki.

Naupo naman ang lalaki sa mahabang couch. "Thanks." Nakangiting saad nito sa kanya.

"Do you want something to drink? What would you like... Juice, Cola, Coffee or Tea?" Alok na tanong nya sa kaibigang Doktor.

"Anything." Nakangiti namang sagot ng lalaki sa kanya.

"Okay." Sabi nya tapos ay nagtungo na sa kusina.

Sumunod naman sa kanya si Drake.

"I'm sorry if na-late uli ako ng dating. May tinapos pa kasi akong trabaho sa negosyo ko na hindi ko pwedeng isantabi." Paliwanag ni Drake sa kanya.

She took a deep breath and then turned her gaze at him.

"Its okay. Naiintindihan ko. Hindi ka naman obligado na ihatid-sundo ako sa trabaho ko, dahil hindi naman yata iyon kasama sa trabaho mo sa akin." Mahabang paliwanag na sagot nya rin naman sa binata.

Nagtungo sya sa kinaroroonan ng mga cupboard. Binuksan nya ang isa sa mga cupboard kung saan nakalagay ang mga Herbal Tea, Coffee, Milk, and Herbal Sugar.

"But still, I'm sorry." Paghingi pa rin ng tawad ni Drake sa kanya.

"Kalimutan mo na 'yon." Sagot nya naman dito.

Sinimulan nya ng gawin ang Cappuccino Coffee para kay Doctor Alex.

Matapos magawa ang cappuccino ay inihatid nya na iyon sa sala kung saan naghihintay ang kanyang bisita.

"Here's your anything." Nakangiti nyang sabi sa bisitang doktor.

Napangiti naman si Alex dahil sa kanyang tinuran.

Nagulat sya ng bigla na lamang naupo si Drake sa single couch malapit sa kanya. Nagtatanong ang mga matang tiningnan nya ang binata. At ang loko, nagkibit-balikat lang. Nag-aalala namang binalingan nya ng tingin si Doc. Alex.

"Sino sya? At anong ginagawa nya dito sa Unit mo?" Puno ng pagtatakang tanong ni Doc Alex sa kanya.

"Bisita nya rin ako." Agad na sagot naman ni Drake sa lalaki.

"Bisita? Na labas-pasok sa unit nya?" Tanong uli ni Doc Alex.

"Dahil welcome akong magpunta dito." Sagot naman ni Drake.

"Anong welcome?- "

"Kasi magkaibigan kami." Putol na sagot ni Drake sa pagpo-protesta nya.

Binalingan nya ng tingin si Doc Alex. "Don't mind him." Sabi nya na lang sa Doktor tapos ay pilit na ngumiti.

Napatangu-tango naman ang lalaki.

She turned her gaze at Drake. "Hindi ka pa ba uuwi? Di ba busy ka sa business mo?" Makahulugan nyang tanong sa binata.

"Nagawa ko na yung mga kailangan kong tapusin sa negosyo ko, kaya free na ako until tomorrow." Sagot naman ni Drake sa kanya. "And dahil sa wala na rin naman akong gagawin bukas, I decided na dito na ako matutulog." Dagdag pa nitong sabi saka nakakalokong ngumisi.

"W-What?!"

Abay tinamaan ng magaling! Kailan pa ito natutong magdisisyon na matulog dito sa unit nya? Himala!

She took a deep breath. Tapos ay binalingan si Doc Alex.

"Gusto mo ba ng makakain?" Alok na tanong nya sa lalaki. "Sandali lang igagawa kita ng sandwich."

The man nodded in response.

She stood up and went to the kitchen.

Nakakaloka ang inaasal ni Drake ngayong gabi. Hindi nya alam kung kikiligin ba sya o maiinis. Hindi nya naman kasi makita kung ano ang dahilan nito kung bakit umaakto ito ng weird. Sa loob ng dalawang linggong pagsisilbi nito sa kanya, ni minsan ay hindi ito natulog sa Unit nya kahit pa nga pansamantalang nakalaan ang guess room nya para dito habang nagsisilbi ito sa kanya. Nakakapagtaka. At kanina lamang sa Alonzo ay inis na inis sya dahil hindi naman ito sumipot para sunduin sya. Kahit naiinis ay inintindi nya na lang ang dahilan nito dahil alam nyang hindi naman sya ang priority nito. Pero nawala ang pagtatampo nyang iyon dahil sa simpleng paliwanag nito.

Napabuntung-hininga sya ng malalim.

Si Drake ba talaga ang weird o sya? Dahil sa kanyang nararamdaman.

Matapos magawa ang egg sandwich para kay Doc Alex ay bumalik na sya sa sala. Pero laking pagtataka nya ng hindi nya na nadatnan doon ang lalaki. Tanging si Drake na lang ang naroon na komportableng nakaupo at nagbabasa ng business magazine.

"Asan na si Doc Alex?" Nagtataka nyang tanong kay Drake ng makalapit sya.

"Umuwi na. Sabi nya ipagpaalam ko na lang daw sya sayo." Sagot naman nito sa kanya pero nakatuon naman ang paningin sa binabasang magazine. "Nakalimutan nya raw na may importanteng gagawin pa raw sya sa bahay nila."

Napakunut-noo sya. Somethings weird happened. Bumuntung-hininga na lamang sya ng malalim tapos ay tumalikod na upang bumalik uli ng kusina.

"Kumain ka na ba?" Narinig nyang tanong ni Drake sa kanya.

"Hindi pa." Sagot nya naman habang naglalakad.

Muntik na syang mapaigtad ng biglang magsalita si Drake sa kanyang likuran.

"Nagluto ako ng dinner. Tara, sabay na tayong kumain." Sabi nito saka ngumiti. Tapos ay nagpatiuna na sa kusina upang maghain ng kanilang pagkain.

Napailing na lamang sya dahil sa mga pangyayaring hindi nya maintindihan.

Billionaire Man's Affection Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon