Chapter 20

2.6K 56 1
                                    

Mangha si Faith sa kanyang nakikita nang mga oras na iyon ng gabi. Dinala kasi sya ni Drake sa Port na pag-aari ng kaibigan nitong si Achiellez Sta. Maria. Pag-ayat nila sa yate na pag-aari ng binata ay napangiti sya ng makita ang kabuoan niyon. May nakahanda ding table for two with candle light pa.

"Akala ko naman sa Haven lang tayo magdi-dinner." Sabi nya sa binata.

Napangiti si Drake tapos ay tila nag-isip pa.

"Bakit mo naman naisipang dito tayo mag-dinner?"

"Its been three months mula ng magkakilala tayo. Kaya special sa akin ang araw na ito." Sagot  nito sa kanya.

"You mean... three months na tayong magkakilala sa araw mismo na 'to?" Tanong nya sa binata. Bakas ang pagtataka at pagkalito sa kanyang tono.

"Yup." Sagot naman nito kasabay ng pagtango.

Napakunut-noo sya.

Inilahad ni Drake ang palad nito sa kanya. Nagtataka man ay tinanggap nya naman iyon. Iginiya sya nito patungo sa table na naghihintay sa kanila. Inalalayan sya nitong makaupo sa silya. Tinungo nito ang silyang nakalaan dito pero hindi ito umupo doon, bagkus ay may kinuha ito mula roon. Isang bouquette of white roses. Muli itong lumapit sa kanya tapos ay ibinigay sa kanya ang palumpon ng mga bulaklak.

"For you." Saad nito.

"Thank you." Sagot nya naman sa binata tapos ay ngumiti.

Tinungo na ni Drake ang silyang nakalaan para dito at naupo na doon.

"Do you remember when you asked me if bakit gusto kong masanay ka sa mga ginagawa ko para sayo?" Narinig nyang tanong nito.

Napabaling ang tingin nya sa binata mula sa ginagawa nyang pag-amoy-amoy sa mga fresh flowers na bigay nito.

Tumango sya bilang sagot sa tanong nito.

"And you know why white fresh roses ang ibinibigay namin sa babae?" Tanong muli nito sa kanya.

"Hindi." Umiiling na sagot nya naman dito. "Bakit nga ba?" Nagtataka nyang tanong.

Nag-isip ito. "Mamaya ko na lang sasagutin yan. Sa ngayon, kumain muna tayo." Sabi nito sa kanya tapos ay ngumiti.

He clapped three times. Maya-maya ay may nagsiakyat na mga lalaking naka-uniform. May dalang pagkain ang mga ito. Matapos mailapag ng mga ito ang mga iyon sa lamesa nila ay nagsialis na rin ang mga 'yon.

"Let's eat first. Alam kong gutom ka from your work." Yakag nito sa kanya.

"Okey."

"After nating kumain. Ililibot kita dito sa buong yatch."

"Okey." Kibit-balikat nya namang sagot.

Nag-umpisa na nga silang kumain.

Matapos kumain ay iginala nga sya ni Drake sa kabuoan ng yate. Maganda at malinis ang kabuoan ng yateng pag-aari nito. At halatang mamahalin.

Matapos makapaglibot ay tinungo nila ang likurang bahagi ng yate kung saan may couch na naghihintay doon.
Naupo sila roon.

Napakunut-noo sya ng maramdamang umaandar ang yate. Tumayo sya at tinungo ang railing upang tingnan kung umaandar nga sila. At tama nga ang kanyang pakiramdam.

"Relax. Hindi naman tayo aalis ng bansa. Lalayo lang tayo ng konti para magpahangin." Narinig nyang sabi ni Drake na ikinalingon nya dito.

Lumapit ito sa kinaroroonan nya at tumayo sa tabi nya.

Napailing na lang sya. Kakaiba magpahingin ang lalaking ito. Sa gitna ng laot pa talaga! Iba na talaga ang mayaman!
Napabuntung-hininga na lamang sya.

Billionaire Man's Affection Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon