Kasalukuyang nasa Private Unit sa NV ang mga magkakaibigan. Its Saturday night kaya mag-iipon-ipon sila ngayon sa kanilang tambayan.
"Himala, Ang aga yatang dumating ni Devon ngayon, ah!" Punang sabi ni Raver tapos ay ngumisi.
"Maaga ko kasing natapos ang trabaho ko. Kaya maaga akong pinaalis ng Misis ko." Sagot naman ni Devon sa kaibigan nila.
"Ang sabihin mo, naa-alibadbaran na si Mitch sa pagmumukha mo kaya maaga kang pinalayas sa bahay nyo!" Giit na pang-aasar din ni Raven.
"Kayong magkambal, tigil-tigilan nyo ako, ha." Sagot naman ni Devon kina Raver at Raven. "Kapag kayo nagka-asawa na, hindi lang ako tatawa, hahalakhak pa ako kapag naranasan nyo yung mga nararanasan namin ngayon!" Dagdag pang sabi nito sa magkambal.
"Agree ako dyan, Dude!" Biglang singit na sabi naman ni Glen mula sa likuran ni Devon sabay tapik pa sa balikat ni Devon. Mukhang kararating lang nito kasama ang bestfriend nitong si Sky. "Makikihalakhak din ako sayo!" Nakangiting dagdag pa nito sabay baling ng tingin sa magkambal.
"Hindi mangyayari yun!" Sabay na sagot naman nina Raver at Raven.
"H'wag kayong magsasalita ng patapos, dahil baka kumapos!" Biglang singit na sabi din naman ni Kurt sa usapan ng mga ito. Mukhang kararating lang din nito.
"Eh paano naman magkaka-asawa ang mga yan? Sinong papatol sa mga yan?" Segundang biro naman ni Kean na kasunod lang ni Kurt na dumating. Nginisihan pa nito ang magkambal.
"Sa gwapo naming ito, walang papatol?" Sagot naman ni Raver kay Kean habang turo ang sarili at si Raven.
"Correct! Ang dami yatang nagkakandarapang chicks sa amin." Segunda naman ni Raven then he crossed his arms.
"Eh, di wow!!" Segunda naman nila ni Ezikiel sa asaran ng mga ito.
Sabay-sabay na napabaling tuloy ang tingin ng mga ito sa kanya. "What?" Nagtataka nya namang tanong sa mga ito.
They're crossed their arm while starring at him.
"By the way, bakit mo nga pala kami ipinatawag?" Baling na tanong nya na lang kay Ezikiel upang makaiwas sa nagtatanong na mga tingin ng mga kaibigan nya.
Ezikiel took a breath then smiled. "Tinawagan ako ni Marcus kaninang umaga. Nagpapatulong about proposal nya kay Ellah. That's why I gathered you guys here para pag-usapan ang mga dapat nating gawin para matulungan si Marcus." Paliwanag na sagot naman ni Ezikiel sa kanila.
"Finally, nagkalakas-loob din ang gagong yun!" Hirit na sabi naman ni Devon.
Nagkatawanan naman silang lahat.
Hindi na rin naman lingid sa kanila na matagal ng gusto ni Marcus si Ellah. Baliw lang talaga ang kaibigan nila. Mas trip pa kasi nito na idinadaan sa pang-aasar o pagkontra kaysa ligawan ang dalaga. Pero hindi naman nila ito masisisi, maybe it is his way para mapaibig si Ellah!
"Nasaan na nga pala ang gagong yun?" Nagtataka namang tanong ni Kurt sa kanila.
"Parating na siguro yun. Alam naman nating hindi yun nawawalan ng oras kay Ellah,eh." Sagot naman ni Ezikiel.
Tapos ay nagdatingan na ang iba pa nilang mga kaibigan. Sabay na dumating na sina Xian, Mikael, at Lancer,
"May na-miss ba kami?" Nakangiting tanong ni Mikael sa kanila.
Sasagot sana sya pero inunahan na sya ni Raven. "Don't ask!" Sabat nito na nagbabanta pa ang mga tingin kay Mikael.
Napangisi naman ang tatlong bagong dating. Mukhang alam na ng mga ito ang nangyari habang wala ang mga ito.

BINABASA MO ANG
Billionaire Man's Affection Series 5
RomanceNOTE: SPG | R-18 Dra. Faith Al Saif is a beautiful, sexy, independent and successful OB Gynecologist. Pero pakiramdam nya ay may kulang sa kanya. Naiinggit sya sa kanyang bestfriend na si Czanelle na happily married sa isang gwapo at bilyonaryong...