Chapter 12

2.5K 79 4
                                    

Eksaktong pagbukas ni Faith ng pintuan ng kanyang Unit ay bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Drake. Paalis na sya ng mga oras na iyon ng umaga upang pumasok sa Alonzo. 

"A-Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka nyang tanong sa binata. 

"Sinusundo ka." Sagot naman nito sa kanya saka ngumiti. 

"Who are you talking outside? Is that Drake?" She heard her father's voice asking her. 

"N-No, Baba," Pagsisinungaling nya naman dito. 

Nagtataka namang tiningnan sya ni Drake. He mouted the word 'why' 

"I'm leaving. See you later." Paalam nya na sa kanyang ama. 

Lumabas na sya ng kanyang Unit tapos ay nagmamadaling kinaladkad palayo ang nagtatakang binata. 

Pagdating nila sa parking lot... 

"Kotse ko na ang gamitin natin." Prisentang sabi sa kanya ni Drake. 

"Wag na. May kotse naman ako. Yun ang gagamitin ko." Sagot nya naman dito. Umangat ang kanyang kamay at dinuro ang dibdib nito. "At ikaw, umuwe ka na." Pagtataboy nya dito. 

Hindi ito sumagot pero nakakunut-noo pa rin ito. Tinalikuran nya ito. Pero ng akma na syang hahakbang para iwan ito ay bigla na lamang sya nitong pinigilan sa kanyang pulso. 

"Andito na rin lang ako, ihahatid na kita." Saad nito sa kanya. 

Hinarap nya ito. "Wag na nga. Nakakaabala na ako sayo." Sagot nya dito. "And beside, isang linggo na lang matatapos na yung pagsisilbi mo sa akin." 

"Hangga't hindi pa nag-e expired yung promong napanalunan mo, magsisilbi pa rin ako sayo!" Sagot din nito sa kanya tapos ay hinila na sya nito. 

Nagmatigas naman sya. 

"Hindi ka susunod o bubuhatin kita papunta sa kotse ko?" Tanong nito sa kanya. Pero nananakot ang dating nun sa pandinig nya? 

"Fine. Susunod na po!" Sagot nya naman. 

Walang imik na sumunod naman sya dito na hawak parin nito ang kanyang pulso. Inaamin nya sa kanyang sarili na masarap sa kanyang pakiramdam ang gesture na ipinapakita sa kanya ngayon ni Drake. Lihim nya tuloy nahiling na sana'y totoo ang lahat ng mga ipinapakita nito sa kanya. 

Pagdating nila sa kinapaparadahan ng kotse nito ay pinagbuksan pa sya nito ng pinto. At ganun na lang ang kanyang pagtataka ng makita mula sa front seat ang isang bouqette of white roses. 

"For you." Sabi nito sa kanya. 

She turned her gaze to him. 

Drake smiled. 

"For me?" Tanong nya dito. 

He nodded. "Yes." Sagot nito saka ngumiti uli. 

Napakunut-noo naman sya tapos ay muling binalingan ng tingin ang mga bulaklak. 

"Sakay ka na. Baka ma-late ka pa sa work mo." Narinig nyang sabi na nito sa kanya. 

Oo nga pala, may trabaho pa pala syang naghihintay. Kinuha nya ang mga bulaklak sa ibabaw ng upuan tapos ay sumakay na sya sa loob ng kotse. Matapos maisara ni Drake ang pintuan sa kanyang tabi ay sumakay na rin ang binata sa driver's seat. 

May ngiti sa labi habang pinagmamasdan nyang mabuti ang mga bulaklak. 

"You like it?" Narinig nyang tanong ni Drake sa kanya. 

Biglang napabaling ang tingin nya sa binata. 

"Yes. I like it." Sagot nya naman sa binata saka ngumiti. "Thanks." 

Billionaire Man's Affection Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon