Chapter 5

2.7K 94 7
                                    

Nasa harap ng hospital building si Faith. Pauwe na sya ng mga oras na iyon ng gabi dahil tapos na ang kanyang duty. She sighed deeply dahil sa inis dahil nakalimutan nyang wala nga pala syang dalang sasakyan dahil nag-insist si Drake na ihatid sya sa trabaho kaninang umaga. Ngayon ay namumroblema tuloy sya dahil mahihirapan na naman sya nitong maghintay ng masasakyang taxi pauwe. 

Napakunut-noo sya ng isang black BMW ang huminto sa kanyang harapan. Bumukas ang bintana ng nasabing sasakyan at sumilip mula roon ang driver nito. Si Dr. Alex. 

"Dra. Faith, pauwe ka na ba? Tara, hatid na kita." Alok na prisenta nito sa kanya. 

"Naku, hindi na." Tanggi nya naman sa lalaki. "Mag-aabang na lang ako ng taxi." 

"But I insist. Sige na, madadaanan ko naman ang condo building na tinutuluyan mo, eh." 

Nagdalawang-isip naman sya kung tatanggapin nya ba ang alok nito o hindi. 

"Sige na. Mahirap mag-abang ng taxi ngayon dahil rush hours na." Sabi pa nito. 

Naisip nya namang tama ito. Bumuntung-hininga sya ng malalim at tinanggap na lang ang inaalok nito. Sumakay na sya ng kotse nito. 

"Nagugutom ka na ba? Gusto mo bang kumain muna tayo bago kita ihatid sa inyo." Pang-aalok uli nito sa kanya. 

"Naku, hindi na." Baling na tangging sagot nya dito. Hindi pa naman ako ginugutom. Mas kailangan kong makauwe ng maaga." Sabi nya pa. 

"Bakit naman?" Kunut-noong tanong naman nito sa kanya. 

"Mas kailangan ko kasing matulog ng maaga." She answered. 

"Why? Hindi ba sapat yung tulog mo kahapon? Day off mo kahapon di ba?" Tanong muli nito sa kanya tapos ay ngumiti. 

"Oo, eh." Nakangiti nya rin namang sagot dito. "Napasobra yung pagre-review ko kagabi kaya late na ako nakatulog kagabi." Dugtong nya pang sabi. 

Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. 

"Nasaan nga pala ang family mo? Bakit naisipan mong bumukod?" Basag ni Doc Alex sa katahimikan nila. 

"Nasa Bahrain sila." Sagot nya naman. 

Napatangu-tango ito habang nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho. 

"Ilan naman kayong magkakapatid?" Tanong muli nito sa kanya. 

"I'm only child." 

"Really? Wow, parehas pala tayo?" 

Napangiti sya. 

"Pareho pa bang buhay ang parents mo?" Tanong muli nito sa kanya. "Sa akin kasi, wala na ang father ko. He passed away when I was twelve. Mag-isa lang akong itinaguyod ni mama. Yung business ni mama galing lang yun sa swerte nya noong nanalo sya sa lotto." Pagku-kwento nito. "Secret lang natin yun, ha." Nakangiti pang biro nito sa kanya. 

Napangiti naman sya. Bigla tuloy syang naging interesado sa kwento ng buhay nito. 

"So, kaya ka nakapag-aral ng medisina dahil sa perang napanalunan ng mama mo sa lotto?" Nakangiting biro nya namang tanong dito. 

Natawa ito. "Parang ganun na nga!" 

Mahina naman syang natawa dahil sa sagot nito. 

"Pero hindi naman lahat gastos ni mama. Scholar din naman kasi ako. Kaya hindi naging mahirap para sa 'kin na tapusin ang pag-aaral ko. Saka pursigido talaga akong makatapos dahil ito ang pangarap ko, eh." Mahabang explain naman nito sa kanya. 

Lihim syang napangiti. Ngayon nya lang napansin na may katabilan din pala ang Doktor na ito.  Nang minsan kasing ihatid sya nito noon ay hindi ito palasalita. Siguro ay nakikiramdam lang ito noong mga panahong iyon. Pero ngayon ay nalaman nya na ang isa sa mga sides nito bukod sa isa itong magaling na Cardiologist. 




 "Thank god, natapos din!" Drake said while stretching his arms. 

Napasulyap sya sa kanyang wristwatch, It's almost eight o'clock evening na pala. Napangiti sya, natapos din ng maaga ang lahat ng kanyang ginagawa. Mabuti nga iyon, Atlis, bukas wala na syang gagawin. Tumayo na sya mula sa kanyang kinauupuan at kinuha ang kanyang coat sa backrest ng kanyang swivel chair. 

Uuwi na sya. Pero kailangan nya munang daanan si Faith sa Alonzo Hospital dahil wala itong dalang kotse kaninang umaga, dahil sya ang naghatid dito sa trabaho nito. Siguradong naiinip na ito sa kahihintay sa kanya sa Hospital. Pero bigla rin syang natigilan sa isiping iyon. Bakit naman sya umaasang hinihintay ni Faith? Eh, hindi nya naman ito girlfriend. Kung susunduin nya man ito iyon ay dahil sa Dare nilang magkakaibigan. Kaya obligado syang gawin iyon. Hindi sya pwedeng tumanggi dahil siguradong bubulaskahin sya ng mga ito. 

And speaking of Faith, sigurado naman syang hindi mag-aaksaya ng panahon sa paghihintay sa kanya ang dalaga, dahil pwede naman itong sumakay ng taxi pauwi. Pero bigla nya ring naisip na siguradong mahihirapang sumakay ngayon ang dalaga dahil rush hour na. Kaya kailangang mapuntahan nya na ito sa hospital, kawawa naman ito kung maghihintay ito ng matagal doon. 

Bitbit ang kanyang coat at suitcase ay nagmamadali na syang lumabas ng kanyang opisina. 

Pero laking panghihinayang nya nang hindi nya na naabutan pa sa hospital si Faith. Nakaalis na raw ito ayon sa gwardyang nagbabantay doon sa mga oras na iyon ng gabi. Kaya naisipan nya na lang na puntahan ito sa condo nito para makasiguro kung safe ba itong nakauwi. 

Pagdating nya sa harap ng condo building kung saan tumutuloy ang dalaga, Pababa na sana sya ng kanyang kotse nang isang Black BMW ang huminto sa di kalayuan ng kinahihimpilan nya. Bumaba mula roon si Faith. Nakangiti pa itong kumaway sa driver nang nasabing kotse. 

Napakunut-noo sya at matamang pinagmasdan mula sa kanyang kinaroroonan ang itim na kotse. Tinandaan nya pa ang plate number nito. Napabuntung-hininga sya ng malalim. Looks like hindi nya naman pala dapat pang alalahin pa ang dalaga sa tuwing uuwi ito sa gabi, dahil may naghahatid naman pala dito kahit hindi nya na ito sunduin. 

Ibinaling nya ang kanyang tingin kay Faith. Naglalakad na ito papasok sa lobby ng Condominium. Bumaba sya ng kanyang kotse at sinundan ito. Nang makasiguro syang nakasakay na ito ng elevator ay sa isang elevator naman sya sumakay. Pagdating nya sa seventh floor ay nakita nyang naglalakad na ang dalaga sa pasilyo patungo sa unit nito. Napabuntung-hininga sya ng malalim. Nang makasiguro na syang nakapasok na ito sa loob ng Unit nito ay pumasok na uli sya sa elevator at bumaba na sa first floor.  

Ligtas namang nakauwi ang dalaga. Pwede na syang umuwi sa NV. Babalikan nya na lang ito bukas ng umaga. Kailangan nyang bumawi dito bukas, baka kasi isipin pa nito ay hindi nya ginagawa ng maayos ang kanyang serbisyo. At kapag nalaman pa ito ng kanyang mga kaibigan, siguradong hindi sya tatantanan ng mga ito ng pang-aasar! 

Pagkasakay nya sa kanyang kotse ay umalis na sya sa lugar na iyon. 






************************* 


AN:  

Dear ka-Wattpaders, 

Sorry po uli sa late update. 

Busy pa poh kasi si Author. 

Muli kailangan koh poh ang inyong sobrang haba na 

Pang-unawa. 

I love You all.

Billionaire Man's Affection Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon