Chapter 6

3K 86 7
                                    


Maagang nagising si Faith ng mga oras na iyon ng umaga. Agad syang dumiretso sa kusina para maghanda ng kanyang almusal. But she sighed deeply and scratched her head when she opened her refrigerator, it was maliwanag pa sa sikat ng araw ang kalinisan nito. Why? Dahil wala man lang iyon kalaman-laman! Only three pieces of eggs and two pieces of delights lang naman ang laman ng kanyang mahiwagang refrigerator! Looks like, kailangan nya ng mag-groceries! 

Kinuha nya na lang ang dalawang itlog. Agad nyang prinito iyon tapos ay nag-toasted ng tinapay at nagtimpla ng kape. Mabuti na lang ay may natitira pa syang Three In One coffee. She was about to start biting her egg sandwich when suddenly someone disturbed her by ringing the doorbell! 

"What the- " Naiinis nyang sabi. 

Wala syang nagawa kundi ang ibaba ang kanyang kinakain at tumayo na lamang upang pagbuksan ang kanyang bwesita. 

Pero biglang naglaho ang kanyang inis ng pagbukas nya ng pinto ay tumambad sa kanyang paningin ang gwapong mukha ni Drake. Agad rumihistro sa kanyang labi ang malapad na ngiti. "Ikaw pala, Mr. Stravoss." Saad nya sa binata. "Ang aga mo yata ngayon?" Tanong nya pa dito. 

Ngumiti naman ang binata sa kanya. "Gusto ko lang bumawi." Sagot sa kanya ni Drake. 

"Saan? Sa hindi mo pag-sundo kahapon?" Diretsa nya namang tanong dito. 

Napakamot naman sa ulo ang binata saka nahihiyang ngumiti. 

"Okay lang yun. I understand. Alam ko naman na busy ka rin." Sagot nya naman dito. "Come in." Alok nya. 

Pumasok naman ang binata sa loob ng kanyang unit. 

"I'm free today. So, magagawa ko lahat ng mga ipag-uutos mo." Sabi ni Drake sa kanya saka ngumiti. 

"Really?" 

Nakangiti naman itong tumango bilang sagot. 

"So, kapag sinabi ko sayong magpalit ka ng mga kurtina, maglinis ka ng bahay, maglaba at mamalengke, gagawin mo?" Panghahamon nya dito. 

"Oo naman. Yun lang pala, eh!" Pag-accept naman agad nito. 

She crossed her arms and looked at him. "Talaga lang, huh!" 

Nginitian naman sya ng binata. 

She took a deep breath pagkatapos ay tinalikuran na ito. "Ikaw ang bahala kung anong gusto mong gawin ngayon dito sa unit ko." Sabi nya habang naglalakad papunta sa kusina para balikan ang kanyang pagkain. 

Uupo na sana sya sa silya ng bigla itong magsalita. Sumunod pala ito sa kanya. 

"Yan lang ang breakfast mo?" Tanong nito sa kanya. 

"Oo. Wala na kasing laman yung ref ko. Mamaya pa ako maggo-groceries pagtapos ng duty ko." Sagot nya naman dito. "If gusto mo gawin lahat ng mga sinabi ko sayo kanina, bahala ka. But, wag na wag mo lang pakikialaman ang mga labahan ko. Nagkakaintindihan ba tayo, Mr. Stravoss?" 

"Yes, ma'am!" Nakangiti naman nitong sagot with matching salute pa. 

Ipinagpatuloy nya na ang kanyang pagkain. 

Matapos makakain ng almusal ay agad syang nagtungo sa kanyang silid upang mag-morning routine. Paglabas nya ay naabutan nya si Drake na nakatayo at nakasandal sa pinto ng sala. Mukhang hinihintay sya nito. 

"Are you leaving?" Nakangiting tanong nito sa kanya ng makita sya. 

Tumango naman sya bilang sagot. 

"Ihahatid na kita." Prisenta naman nito sa kanya. 

She smirked. "No need. May kotse naman ako, eh." Sagot nya dito. Mahirap kasi ang walang dalang sasakyan. Ang hirap mag-abang ng taxi pauwe, kaya hindi na sya magpapahatid. And besides, baka makaabala pa sya dito. 

Billionaire Man's Affection Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon