Chapter 14

2.7K 101 16
                                    

Laking pagtataka ni Faith nang sa NV sila dumiretso pagkagaling nila sa Airport. Past six in the evening na rin naman sila nakarating. Huminto sila sa isang malaking bahay. Mababa lang ang bakuran pero natataniman naman ng iba't ibang uri ng mga halaman at bulaklak. In short, napakagandang bahay.

"Kanino bahay yan? Saka bakit tayo nandito?" Nagtataka nyang tanong sa binata.

Isang maliit na aparato ang kinuha ni Drake mula sa dashboard ng kotse. Binuksan nito ang bintana sa tabi nito tapos ay itinutok iyon sa gate ng bahay. Remote pala iyon ng gate. Nang bumukas ang gate ay minaniobra na nito ang sasakyan papasok sa loob ng garahe.

She pouted her lips at napaingos dahil hindi manlang nito sinagot ang kanyang mga tanong.

Nang bumaba ito ng sasakyan ay ipinagbukas sya nito ng pinto. Napakunut-noo sya ng nakangiting inilahad nito sa kanya ang palad nito.

Naguguluhan man ay tinanggap nya naman ang alok nito. Inalalayan sya nitong makababa ng sasakyan. Sabay nilang tinungo ang pintuan ng bahay na magkahawak kamay. Kinuha nito ang susi mula sa bulsa ng suot nitong damit pagkatapos ay he unlocked the door.

"Welcome to my house!" Nakangiting saad nito sa kanya ng mabuksan ang pinto.

Sinilip nya naman ang loob ng bahay. Kunut-noong binalingan nya naman ng tingin ang binata. He moved his head like pinapapasok sya nito sa loob. Pumasok naman sya sa loob. Mangha sya sa kanyang nakikita. Kay linis kasi ng buong paligid, Iilan lang ang mga gamit na naka-display sa paligid pero halatang mamahalin. May mga naka-frame din na paintings sa dingding na gawa ni Michelle Arcenio-Murphy at ng iba pang mga sikat na Artist.

"So, how do you think?" Narinig nyang tanong sa kanya ni Drake na ikinabaling nya dito.

"M-Maganda." Namamangha nya namang sagot dito.

"Do you like it?" Tanong pa uli nito sa kanya.

Tumango naman sya bilang sagot saka ngumiti.

"Kung may gusto kang idagdag o ipabago, just tell me. Gawin mo lahat ng gusto mong gawin sa bahay na ito. Ikaw ang masusunod."

Nanlaki ang kanyang mga mata sa mga sinabi nito. "S-Sigurado ka?!" Hindi makapaniwalang tanong nya dito.

"Oo naman." Sagot naman nito sa kanya.

Inilibot nya muli ang kanyang tingin sa paligid. Maganda na ito, wala ng kailangan ipabago pa. Kung mayroon man syang gustong idagdag, pag-iisipan nya na lang.
Pero bigla rin syang napakunut-noo sa pagtataka at napaisip kung bakit naman sya binibigyan ng karapatan ni Drake na makialam sa pamamahay nito?

"Wait!" Agaw pansin nya sa binata na ikibaling naman ng tingin nito sa kanya. "Bakit nga pala dito agad tayo tumuloy instead na sa apartment ko? At bakit mo nga rin pala ako binibigyan ng karapatan na makialam dito sa bahay mo?" Nagtataka nyang tanong dito.

"Isn't it obvious?"

"Na ano?"

"Dahil starting today, dito ka na titira."

"What?!" Gulat na bulalas nya. "Are you kidding me?"

"Do I looked, I'm kidding?" Balik-tanong naman nito sa kanya.

"A-Are you sure about that?" Nagtataka nyang tanong uli.

Matiim sya nitong tinitigan tapos ay tumango.

Para syang naistatwa ng dahan-dahan itong humahakbang palapit sa kanya.

"A-Are you serious?" Nauutal nyang tanong dito.

Tumango na naman ito habang matiim parin syang tinititigan at lumalapit sa kanya.

"B-Baka... nabibigla ka lang sa disis- "

Billionaire Man's Affection Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon