Chapter 11

2.5K 79 6
                                    

"When did you have a boyfriend?" Tanong ni Mr. Al Saif kay Faith nang mga oras na iyon ng gabi. "And you haven't plans to tell me?" Bakas sa tinig nito ang sama ng loob.

Kasalukuyan silang nasa sala nang mga oras na iyon ng gabi habang nanonood ng tv, habang abala naman sa kusina si Drake.

"As I told you, I am always busy at my work. So, I lost time to call you and tell you about my situation here in Philippine." She replied to her father. "Please, Baba, don't be angry na."

Her father sighed deeply. "Fine." He said.

She smiled and gently leaned her head on her father's shoulder.

"But, habi'bti ?"

"Hmm?"

"Are you sure about that man?" Her father asked.

She turned her gaze to her father. Her father's face and voice were serious. Paano nya sasagutin ang tanong nito, gayong hindi nya naman alam ang totoong nararamdaman ni Drake. Kasi nga wala naman silang relasyon. Saka, paano naman magkakaroon ng damdamin si Drake sa kanya, eh sa hitsura palang ng binata siguradong maraming naghahabol doon. At sigurado sya, na hindi sya ang tipo nitong babae.

She nodded as a response to his father's question.

"Are you happy with him?"

She nodded again.

"Okay. But, I want to talk to him." Sabi ng kanyang ama.

She automatically stood up in surprise when her father said it. Kunut-noo namang napatingin sa kanya ang kanyang ama.

"Why do you seem surprised? Is there anything surprising about what I said?" Nagtataka namang tanong sa kanya ng kanyang ama.

"Ahm, nothing baba." Umiiling nya namang sagot sa ama.

"I want to talk to him." Her father said.

"And what are you going to talk about?" She asked.

"Don't worry, It's just a man to man conversation." Sagot naman sa kanya ng kanyang ama saka ngumiti.

"Okay..." Saad nya naman habang marahang tumatangu-tango. "I just went to the kitchen. I suddenly felt thirsty." She said and then sumibad na agad papunta sa kusina.

Naabutan nya doon si Drake na abalang naghuhugas ng mga pinagkainan nila ng hapunan.

She approached him.

"Drake..." Agaw nya sa atensyon ng binata.

Bumaling naman ang tingin nito sa kanya.

She took a deep breath, dahil nakaramdam sya ng hiya sa mga oras na iyon.

"My father wants to talk to you." Nahihiya nyang sabi kay Drake.

"About what?" Kunut-noo namang tanong ni Drake sa kanya.

"I-I don't know, eh." Kibit-balikat nya namang sagot sa binata.

"Ngayon na ba?" Tanong uli ni Drake sa kanya.

Hindi sya nakasagot.

Tumangu-tango ang binata na tila nauunawaan sya and then he took off his apron at iniabot iyon sa kanya.

"Saan ka pupunta?" Nagtataka nya namang tanong dito.

"To your father. You said, he wanted to talk to me?" He replied.

Bumuntung-hininga sya ng malalim tapos ay kinuha ang apron mula sa kamay nito.

Dahil sa kabang nararamdaman nya ay ang bilis-bilis at ang lakas-lakas tuloy ng tibok nang kanyang puso. At dahil din doon kaya hindi sya makapagsalita.

"Pupuntahan ko na sya. Ayoko syang paghintayin. Makakabawas yun sa pogi points ko." Saad nito tapos ay iniwan na sya sa kusina.

Naiwan naman syang kinakabahan sa maaaring maging resulta ng usapan ng dalawa! 


"WHAT?!!" Sabay-sabay na bulalas ng kanyang mga kaibigan, matapos nyang ikwento sa mga ito ang tungkol sa kasalukuyang sitwasyon nila ni Faith.

Kasalukuyan silang nasa tambayan nila sa NV ng mga oras na iyon ng gabi.

"Wow, congrats dude!" Bati pa sa kanya ni Izaac tapos ay nakakalokong tumawa.

"Congrats ka dyan! Namumroblema na nga ako, nang-aasar ka pa." Asik nya naman sa kaibigan.

"Problema ba yun? Eh di, totohanin nyo na lang!" Sagot naman sa kanya nito. "Tutal, andyan na rin naman yan, eh, eh 'di seryosohin mo na!" Dagdag na sabi pa ng hinayupak.

"Parang ganun lang yun kadali, ah." Asik nya uli dito.

Pero ang gago nginisihan lang sya.

"Bakit, wala ka bang nararamdaman para kay Doktora?" Tanong naman ni Raven sa kanya.

Hindi sya nakasagot sa tanong ng kanyang bestfriend.

"Silent means, Yes!" Wika uli ni Raven.

"Wow! Nagbibinata na si Drake!!!" Sabay-sabay namang pang-aasar sa kanya nina Raver, na ikingisi naman nina Kyle, Xian, at Kean.

"Hindi ko alam!" Seryosong Sabad nya naman sa mga ito. "Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko."

"Ano nga ba ang nararamdaman mo?" Tanong naman ni Ezikiel sa kanya.

Hindi sya makapagsalita.

"Kung masaya ka kapag kasama mo sya. Love na yan, Pare." Saad ni Kurt sa kanya.

"Kung magkahalong kaba at saya ang nararamdaman mo noong kausapin ka ng Daddy ni Doktora, Love na yan, Pare." Segunda naman ni Glen. 

"Kung masaya ka na pinagsisilbihan sya. Love na yan, Pare." Singit na sabi naman ni Marcus.

"Kung nasasaktan ka kapag nakikita mo syang malungkot at nasasaktan. Tapos masaya ka rin kapag nakikita mo naman syang masaya. Love na yan, Pare." Giit naman ni Devon.

"And If you feel contented and you don't want to lose her in your life. Love na talaga yan, Pare." Saad naman ni Ezikiel sa kanya.

Mas lalo syang natahimik dahil sa kanyang mga narinig mula sa kanyang mga kaibigan.

"Nararamdaman mo ba ang mga 'yon sa tuwing kasama mo si Doktora?" Narinig nyang tanong ni Lancer sa kanya.

"Kasi, Pare, kung nararamdaman mo ang lahat ng 'yon. Walang duda, In love ka na nga, Pare." Giit naman ni Knight.

Alam nyang hindi biro at hindi din pang-aasar ang mga sinabi ng mga ito sa kanya. Dahil may karanasan sa salitang Pag-ibig sina Ezikiel, Devon, Glen, Kurt at Knight.

Hindi nya naman maikakailang nakakaramdam sya ng mga ganung bagay sa tuwing kasama nya si Faith. Pero nag-aalangan naman sya na ligawan ang dalaga. Paano kung wala naman itong nararamdaman para sa kanya?

Napabuntung-hininga sya ng malalim.

"Silent means Yes." Narinig nyang sabi uli ni Raven.

"In love na si Pareng Drake!" Giit na bulalas naman ni Izaac.  "So, pa'no ba yan mga 'pre? Nanalo ako sa pustahan natin!" Nakangising dagdag na sabi pa nito.

"Bakit ikaw lang ba?!!" Sabay-sabay na sagot naman nina Ezikiel, Devon, Glen, Kurt, Marcus, Mikael, Lancer, Raven at Knight kay Izaac na ikinagulat nito.

"Oo nga. Sabi ko nga tayong sampo ang nanalo." Sagot naman agad ni Izaac sa mga ito. "Chilax lang mga, Pre. Ako lang 'to."

"Iisahan mo pa kami. Pektusan kita dyan, eh!" Sagot ni Knight kay Izaac kasabay ng pag-amba na kukutusan ito.

Para namang shunga na iniharang ni Izaac ang sariling mga braso na tila pinoprotektahan ang sarili habang nakangisi.

Bumuntung-hininga sya ng malalim at napailing na lamang dahil sa mga kalokohan ng kanyang mga kaibigan.

Ang ugali ng mga ito ang dahilan kaya mahal na mahal nya ang kanyang mga kaibigan, kahit pa nga mga baliw ang mga ito!

Billionaire Man's Affection Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon