Napangiti si Drake nang balingan nya ng tingin sa katabing upuan ng kanyang kotse ang binili nyang bouquette ng red roses. "I hope you will like it!" Sabi nya tapos ay bumaba na sya ng kanyang kotse.
Maaga pa kasi syang lumabas ng bahay para lang mag-jogging sa loob lang subdivision. Routine nya na kasi ang bagay na iyon. Pagkatapos ng isang oras na pagja-jogging ay lumabas sya ng subdi upang bumili ng bulaklak para kay Faith.
Pumasok na sya ng kanilang bahay upang maghanda ng kanilang agahan. Alam nyang tulog pa rin si Faith sa mga oras na ito dahil gabi-gabi ay nagpupuyat ito sa pagre-review.
Agad syang dumiretso sa kusina at nagluto ng ham, hotdog and eggs. Pagkatapos ay inihanda iyon sa dinning table kasama ng sliced bread. Nag-brewed sya ng coffee. At habang hinihintay iyon ay nagtimpla sya ng gatas para kay Faith.
Saktong natapos ang brewed coffee ay pumasok ng kusina si Faith. Halatang kagigising lang nito.
"Gising ka na pala. Tara, breakfast na tayo." Nakangiting yakag nya na agad sa dalaga habang isinasalin ang brewed coffee sa tasa.
Napangiti naman ito tapos ay dumulog na rin sa lamesa.
"Sanay ka ba talagang gumising ng maaga?" Tanong ni Faith sa kanya.
Tinungo nya na rin ang lamesa at naupo sa silyang katapat lang ng dalaga.
"Oo. Pero kapag ayokong pumasok sa trabaho, tanghali na rin ako gumigising." Sagot nya naman dito.
Napatangu-tango naman ang dalaga.
"Nakakahiya naman sayo. Ako na nga yung nakikitira dito ako pa yung walang ginagawa." Saad nito sa kanya na ikinahinto nya sa pagsubo ng pagkain.
"Sino naman ang nagsabi sayong nakikitira ka dito?" Patanong na sagot nya naman dito na ikinabaling ng tingin nito sa kanya. "Wala akong sinasabing makikitira ka dito dahil hindi ka naman evacuees. Ang sabi ko, dito ka na titira." Dagdag na sabi nya pa dito.
Napataas-kilay ito pero hindi nagsalita.
"Kung gusto mo ng may ginagawa ka, maraming pwedeng gawin dito. Kung gusto mong pagtripan ang dingding ng bahay, ipabago mo ang kulay kung gusto mo. Kung gusto mong baguhin ang pagkakaayos ng mga gamit, gawin mo kung gusto mo. Wag ka lang aalis sa bahay na ito!" Sabi nya pa na pinakadiinan pa ang huling mga katagang sinabi.
Ngayon naman ay napakunut-noo ang dalaga habang nagtatakang nakatingin sa kanya. Tapos ang pilit itong ngumiti. "Okay." Sagot nito sa kanya. "Kain na tayo, bigla akong nagutom sa mga patutsada mo, eh." Sabi pa nito sabay kagat ng tinapay.
Ipinagpatuloy na nga nila ang pagkain ng agahan.
Matapos ang pag-aagahan ay nagprisenta si Faith na maghugas ng kanilang pinagkainan pero tinanggihan nya iyon. Sya na ang umako ng trabahong iyon, kaya pumasok na lamang ito sa guest room na ginagamit nito upang mag-ayos ng sarili para sa pagpasok nito sa trabaho.
Matapos nyang ipasok sa dishwashing machine ang lahat ng mga hugasan ay iniwan nya na ito na naka-onn pagkatapos ay pumasok na sya sa kanyang silid upang maghanda na rin sa kanyang pagpasok sa kanyang trabaho.
Paglabas nya ng kanyang silid ay sakto ding kalalabas lang din ni Faith mula sa silid nito.
"Shall we go?" Nakangiti nyang tanong sa dalaga.
Nakangiti naman itong tumango bilang sagot.
Pagdating nila sa garahe ay pinagbuksan nya ng pinto ng kotse si Faith. Pasakay na sana ang dalaga nang mapatigil ito. Tapos ay bumaling ng tingin sa kanya.
"For you." Nakangiti nyang sabi sa dalaga.
Nagtatanong ang mga mata nitong tiningnan sya habang turo ang sarili.
Tumango naman sya saka muling ngumiti.
Bumaling ito ng tingin sa loob ng kotse tapos ay kinuha ang mga bulaklak sa ibabaw ng upuan. Sinamyo nito iyon tapos ay bumaling ng tingin sa kanya. "Thank you." Sabi nito sa kanya saka matamis na ngumiti sa kanya.
"Your welcome." Nakangiti nya namang sagot dito.
"Tara na. Baka langgamin pa tayo dito, eh." Yakag na nito sa kanya na ikinangiti nya, tapos ay pumasok na ito sa loob ng kotse bitbit ang mga bulaklak.
Matapos nyang maisara ang pinto sa tabi nito ay tinungo nya na ang driver's seat. He open the gate and then umalis na sila sa lugar na iyon.
Kasalukuyang nasa loob ng Haven Cuisine si Drake ng mga oras na iyon ng umaga habang matyagang naghihintay sa kanyang ka-meeting.
Napasulyap sya sa kanyang suot na wristwatch. Maaga pa naman, makakaabot pa sya sa breaktime ni Faith. Basta wag lang lalampas ng alas onse ang dating ni Xian dahil babatukan nya talaga ito sa ngala-ngala!
"Hey Dude!" Narinig nyang tinig ng kanyang hinihintay. "Sorry, I'm late." Paghingi naman nito ng dispensa sa kanya.
"Its okay." Sagot nya naman dito, tapos ay itinuro ang bakanteng upuan.
Nang makaupo na ang kanyang kaibigan ay agad nya ng tinawag ang waitress upang makaorder na nang kanilang kakainin.
"Do you have any update?" Tanong nya dito.
Ngumiti ito sa kanya tapos ay ibinigay sa kanya ang isang brown envelope.
Kinuha nya naman iyon at binuksan. Puro iyon mga larawan ng isang may edad na babae.
"Complete details na yan. Nariyan na rin yung exact address." Sagot naman nito sa kanya.
Kinuha nya ang maliit na papel na nasa loob ng envelope. Address nga iyon na matatagpuan sa Palawan. Napangiti sya. Natapos na rin ang First and Second moves nya. Malapit na ang kasunod.
"Hindi na ako magtatanong if why are you doing this. Obvious naman ang dahilan." Saad nito sa kanya. "So, ano na ang next steps mo?" Tanong pa nito.
"Don't worry, naka-settle na ang lahat ng mga plano ko." Sagot nya naman dito.
"Do you need help again?" Tanong uli nito sa kanya.
"Hindi na. Ako na ang bahala ngayon sa lahat." Sagot nya naman dito. "But thank you sa help mo." Pasasalamat na saad nya pa sa kanyang kaibigan.
"Wala yun. Simple lang naman ang pinagawa mo sa akin. Mas madali pa nga yan kaysa sa ibang trabahong hinawakan ko." Sagot naman nito sa kanya. "And saka, what are friends for kung hindi tayo magtutulungan?" Dagdag na sabi pa nito.
Napangiti sya. "Thank you."
Tango lang ang isinagot nito sa kanya.
Nang dumating ang waitress na dala ang kanilang mga inorder, ay inumpisahan na nilang kumain. He send a message to Izaac na oorder pa sya ng pagkain for take out. At ang loko, nagreply naman agad nang 'Is it for Doctora Faith ?' He rolled his eyes at mahinang natawa habang napapailing dahil nahulaan agad nito ang dahilan nya kung bakit at paraan kanino ang kanyang mga inorder. Bilib na talaga sya sa kanyang mga kaibigan. Bukod sa mga loko-loko na ang mga ito, ay manghuhula pa!
Baliw talaga! Ang naisaloob nya na lang tapos ay muling nagreply ng mensahe kay Izaac.
BINABASA MO ANG
Billionaire Man's Affection Series 5
DragosteNOTE: SPG | R-18 Dra. Faith Al Saif is a beautiful, sexy, independent and successful OB Gynecologist. Pero pakiramdam nya ay may kulang sa kanya. Naiinggit sya sa kanyang bestfriend na si Czanelle na happily married sa isang gwapo at bilyonaryong...