Chapter 3

3.2K 115 18
                                    

Abala ang atensyon ni Faith sa harap ng kanyang loptop. Kasalukuyan syang nasa veranda ng kanyang condo ng mga oras na iyon, nang tumunog ang doorbell. Napakunut-noo sya. Sino naman kayang walang magawa sa buhay ang mang-iistorbo sa kanya ng ganitong oras ng umaga? She thank god, dahil day off nya today.

Muling tumunog ang doorbell. At sa pagkakataong iyon ay nagsunod-sunod ito. Kaya kaysa naman sirain ng kung sinong Judas Scariote ang kanyang doorbell ay tumayo na sya upang alamin kung sinong napakabuting Samaritano ang nang-iistorbo sa kanya.

Agad syang lumabas ng veranda at tinungo ang pinto. Naiinis na pinagbuksan nya ng pinto ang kanyang bwesita. Pero ganun na lang ang gulat nya nang mapagsino ito.

Si Drake Stravoss!

Oh my god! Is this real? Mr. Drake Stravoss is standing in front of me?! Tulaley na natutop nya ang kanyang sariling pisngi habang hindi alam kung ano ang knyang iisipin at gagawin. Napakurap-kurap sya ng nginitian sya ng binata. Hindi sya makapaniwala na sa mga oras na ito ay nasa harapan nya ang mayaman at gwapong binata!

"A-Anong ginagawa mo... dito?" Nauutal nyang tanong dito.

"Aren't you the winner of the BM raffle?" Kunut-noo naman nitong tanong sa kanya.

Agad naman syang napangisi. Oo nga pala, sumali nga pala daw sya at nanalo pa daw sa nasabing raffle. Ang swerte nya naman. Dahil isang Drake Stravoss ang kanyang premyo. Kung ganito naman kagwapo ang magiging premyo, palagi na syang sasali sa lahat ng mga raffle. "At ano naman ang gagawin mo dito sa bahay ko?" Tanong nya sa binata.

Napaisip naman ito. Tapos ay dumukwang sa harapan nya. "What do you think?" Tanong nito. Nanlaki ang kanyang mga mata at napigil nya ang kanyang hininga. Kaunti nalang kasi ay magkakadikit na ang kanilang mga mukha.

"Mmmm... D-Do the house chores?" Nauutal nya pa ring tanong.

Napaisip ito habang napapatango. "Pwede." Sagot naman nito sa kanya.

"N-Ngayon ka na ba agad magsisimula?" Tanong nya naman.

He stood and then crossed his arms. "Oo. Bakit ayaw mo ba?" Kunut-noo naman nitong sagot sa kanya.

Bigla naman syang nataranta sa isinagot nito. Matamis nya itong nginitian at sinagot. "S-Syempre gusto! Choosy pa ba ako?" Mahirap nang tumanggi, baka magbago pa ang isip nito!

Drake smiled.

"Come in." Yakag nya na dito.

"Thanks." Nakangiti naman nitong sagot nito sa kanya.

Inilibot ni Drake ang kanyang tingin sa kabuoan ng bahay ni Dr. Faith Al Saif. Malinis and everything is in proper place. Mukhang hindi mahirap linisan. Halatang masinop sa gamit ang dalaga. Mukhang hindi sya mahihirapan sa pag-stay nya dito ng isang buwan.

"Nagugutom ka ba? Mmm... may pagkain sa ref. Kaso tira ko na lang yun kagabi." Alok na sabi nito sa kanya.

"No. Thanks. Busog pa ako." He answered then smiled.

"Halika, ituturo ko sayo yung kwarto mo." Sabi na lang nito sa kanya tapos ay nagpatiuna na sa paglakad.

Sumunod naman sya dito. Kung tutuusin ay hindi nya naman kailangan ng kwarto dahil hindi naman sya matutulog sa bahay nito. Ni wala nga syang dalang ibang gamit eh, maliban sa kanyang kotse, loptop at cellphone. Pero sumunod pa rin sya.

Who knows, baka dumating ang time na makatulog nga ako sa bahay nito! Ang lihim nyang naisaloob tapos ay lihim na napangiti.

"Itong guest room na lang muna ang gamitin mo kapag oras ng pahinga." Sabi nito sa kanya. "And if you need anything, yan lang ang kwarto ko." Dagdag pa nito saka itinuro ang katapat na pinto ng silid na gagamitin nya.

Billionaire Man's Affection Series 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon