Chapter 14
Bite
Morning came and I was welcomed by a headache that almost made me want to bang my head on the walls. Hawak-hawak ang sentido at pikit-matang lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig sa kusina. I sighed. Hinding-hindi ko na 'to gagawin ulit. Pangako 'yan. I can barely remember anything after I passed out habang nasa likod ni Simon. My recollection with what happened last night lasts only up to that moment. Siguro kapag narinig ito ni Almira, pagtatawanan ako non.
Kinapa-kapa ko lang ang landas papuntang fridge at success naman ang pagkuha ko ng tubig doon. I gulped it down. I closed the fridge, still drinking the water from the bottle. Ngayon na nakatalikod na ako sa fridge ay minulat ko na ang mga mata ko. Bumungad naman sa harap ko si Simon na naka-apron at napatigil sa ginagawang pagluluto. Naalala ko naman ang ginawa ko kagabi bago pa ako mawalan ng malay. Dahilan para maibuga ko ang tubig sa mukha n'ya.
Napapikit s'ya at ako naman ay nanlaki ang mga mata, napaatras ako at nabangga ng likod ko ang fridge dahilan para mapaalog ito at gumalaw ang mga nasa ibabaw nito.
"S-sorry..." Sabi ko. Simon smiled and finally opened his eyes.
"It's... it's fine." He sighed and wiped his face with a towel. "How're you feeling?" Tanong n'ya at nagpatuloy sa pagluluto. Napansin ko ang mga dark circles n'ya na para bang kinulang s'ya ng tulog. Di ba at 11 na kami umuwi? Di ba s'ya nakatulog agad? Pareho naman kaming pagod kagabi.
"Masakit lang ang ulo ko pero...okay naman. Ikaw?" Natigilan s'ya. He turned off the stove at sinalin sa isang bowl ang tinolang niluto n'ya.
He smiled, "Ayos naman, kumain ka na." He said, taking off his apron and putting it aside. Naka-side-view s'ya saakin ngayon ng makita ko ang pamumula sa tenga n'ya. Mukha itong...kinagat. "I need to leave now, kaya ikaw na muna bahala dito." He walked pass me when I suddenly grabbed his right arm, making him halt. Napatingin naman s'ya saakin, "May kailangan ka?"
Itinuro ko ang tenga n'ya, "San mo nakuha yan?" Kunot noo kong tanong. Tinakpan n'ya ito. Pero ang left hand n'yang tinakip n'ya sa tenga n'ya ay may kagat rin. Kinuha ko rin ang kamay n'ya at sinuri ito. Bakit may mga kagat s'ya sa katawan? Salubong ang kilay kong nakatingin sa kanya ngayon. Nanlaki ang mga mata n'ya at binawi ang kanyang kamay mula saakin.
Tumikhim s'ya, "It's nothing," Sumakit ang ulo ko at bigla nalang may mga medyo malabong mga ala-alang sumagi sa isip ko.
Scenes of me biting a hand, lunging and jumping to Simon's back and biting his ear flashed through my mind. Napatingin naman ako sa kanya. Namumula ang kanyang tenga, tumalikod s'ya saakin papuntang dining table.
"Did I---"
"It's nothing, I need to go. Kumain ka na, I'll be back by tomorrow." Nagmamadali n'yang kinuha ang bag n'ya na nasa lamesa lang. Tinakbo n'ya ang papuntang pintuan at umalis. Ako naman ay naiwang gulat at hindi alam ang gagawin.
When it finally hit me, napa-upo ako sa sahig. Hindi ko napansin na naka-jacket lang ako sa ibabaw ng dress ko. Napahawak ako sa jacket na suot, it was big so it's probably Simon's.
Napasabunot ako sa aking ulo ng maalala ang mga ginawa ko kagabi.
"Ba't mo ginawa 'yon? Gaga ka!" I scolded myself while tugging my hair in frustration. Gusto kong sampalin ang sarili.
Habang nalulunod pa ako sa hiya ay narinig ko naman ang cellphone kos nagriring na nasa kwarto kaya agad ko iyong pinuntahan. It was Almira, bago ko pa man iyon masagot ay na end na. Pero mas nagulat ako ng makita ko ang 20 plus missed calls galing kay Almira.
When my phone rang again because of Almira's call, I answered it. Baka kase importante ang gusto n'yang sabihin.
"Hello---"
![](https://img.wattpad.com/cover/242884296-288-k509078.jpg)
BINABASA MO ANG
A Silent Serenade
RomanceA Silent Serenade For a soul that wants to be alone. To survive and thrive by her own. Meeting a stranger that's going to keep her company, will her serenades be enough for the stranger to stay away or will it draw the stranger even more? By: hori_z...