Chapter 8
Ulan
There are times when life never really goes the way we want it to. Minsan iniiwasan natin ang mga bagay na sa tingin natin ay makakasira sa'tin pero kahit pala anong gawin natin ay kung tatamaan ka ng lintik ay tatamaan ka.
"You're such a liar," panimula ni Joan. Kanina pa lang simula ng klase ay ramdam ko na ang masamang tingin n'ya at ng mga minions n'ya. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Ineexpect ko na na mangyayari 'to pero hindi ko naman ineexpect na ngayon na.
"H-ha? Bakit ako naging liar?" Sa totoo lang ay kinakabahan ako, ako lang kaya mag-isa tapos lima sila. Kung magka-sabunutan man ay dehado ako.
"The last time I asked you about Simon, you said you didn't know him. But he came here and said that you two were together, but then you denied it. Tell me, what is really your relationship with him? Sagot!" Padabog nya'ng nilapag ang mga libro n'ya sa harap ko. Kami nalang kasi dito sa classroom dahil lunch na. Mukhang galit si Joan. Pero pinipigilan n'ya lang ang sarili.
Sa lahat ng bagay na ayaw kong mangyari sa college life ko, eto ngayon nangyayari na. Gusto ko lang naman grumaduate ng matiwasay at dean's lister parin.
"Wala nga kaming relasyon. Hindi ko nga talaga s'ya kilala dati. He must've just mistaken me with someone else noong nagpunta s'ya dito. Tsaka kinulit n'ya lang ako, that's it!" Pinanliitan n'ya lang ako ng kanyang mga mata. She let out a sharp breath and crossed her arms.
"Then why is he not coming here anymore? Did you tell him not to?!" Pagalit nya'ng tanong. Napa-igtad naman ako sa pagtaas ng boses n'ya. Mag-iisang linggo na rin na hindi s'ya pumupunta dito sa classroom namin dahil sa sinabi kong huwag na, kaya ito siguro ang nagtrigger ng galit ni Joan ngayon. Sa tingin ko ay alam ko na ang sagot sa tanong ko kung tama bang sa karinderya ko nalang paghintayin si Simon.
"H-hindi! Talagang hindi nga kami close...kaya hindi na s'ya pumupunta dito." Pagsisinungaling ko. She looked at me, para bang gusto n'ya na akong lapain dahil sa tingin n'ya.
"Just make sure na totoo 'yang sinasabi mo at wala kayong kung ano mang relasyon ng future boyfriend ko. Kung hindi ay I will make your life a living hell." Banta n'ya at nagmartsa na palabas ng classroom kasama ang mga minions n'ya. Nakahinga naman ako ng maluwag ng tuluyang maka-alis na sila. Paano n'ya ba gagawing living hell ang buhay ko kung living hell na nga ito ngayon? Napa-iling nalang ako.
Tinignan ko naman ang oras at nakita kong 15 minutes nalang bago matapos ang lunch break ko. Kaya naisipan ko nalang na bumili ng biscuit sa canteen kesa kumain muna. Wala na akong oras, late na nga kami dinismisss ni prof, pinagbabantaan pa ako ng Joan na iyon.
"Oo nga pala, si Simon." Bulong ko ng maalala kong malamang naghihintay si Simon sa karinderya ngayon. Itetext ko sana s'ya kaso naalala kong wala nga pala akong number n'ya. Wala rin akong data pang chat sa kanya.
Then suddenly the skies dimmed and it started to rain. Mas lalo tuloy akong nag-alala.
Naisip kong baka narealizee n'ya na by now na hindi na ako dadating. Kaya pinagkibit-balikat ko nalang at dumiretso na sa susunod kong klase.
Pagkauwi ko naman galing sa trabaho ay nagtaka naman ako kung bakit patay lahat ng ilaw. Alas dies pa at sa mga oras na ito ay nanunood pa ng TV or nag rereview pa si Simon. Nakakapagtaka naman.
Kinapa-kapa ko ang switch sa dingding. At saktong pag-on ko noon ay nakatayo gilid ng sofa si Simon at nakatingin lang sakin. Kaya sa gulat ko naman ay napamura ako at napa-igtad. Magkasalubong ang kilay n'ya ng nakatingin sa'kin. Pang-horror movie naman agad ang bungad nito sakin.
BINABASA MO ANG
A Silent Serenade
RomanceA Silent Serenade For a soul that wants to be alone. To survive and thrive by her own. Meeting a stranger that's going to keep her company, will her serenades be enough for the stranger to stay away or will it draw the stranger even more? By: hori_z...