Chapter 1
Don't Be Shaken
That night, I ended up crying myself to sleep. The cold and dark room made me shiver but it didn't bother me, I guess dahil na rin sa pagod ay nakatulog rin ako agad. I woke up with swollen eyes. Kailangan ko pa naman magbayad ng kuryente, saktong pambayad ng kuryente, tubig at pambiling groceries lang ang kita ko kagabi. Gustuhin ko mang bumili ng mga gusto ko, uunahin ko parin ang mga kailangan ko dito sa bahay.
Pagkatapos kong maligo, I rummaged through my cabinet. Most of my clothes were old. Kadalasan ay maliliit na saakin, pero hindi naman ako makabili-bili ng bago. Kaya pinagtitiisan ko nalang muna. I thought of taking some of mommy's clothes, pero masyadong magagara ang mga damit n'ya. Most of them were dresses of luxury brands, naisipan ko rin na ibenta iyon pero hindi ko kaya. I still smell mom's scent on those clothes, I don't want to lose it. I never rearranged mom and dad's room, I want it to stay as it is. Because it still reminds me of them.
Nang matapos akong magbihis ay agad na rin akong umalis. Dumiretso ako sa mall, pwede naman akong magbayad ng bills sa remittance centers na nasa mall kaya mas convenient iyon. Bibili rin naman ako ng groceries. Sabado ngayon kaya ineexpect kong maraming tao.
Simpleng puting t-shirt at jeans lang ang suot ko. Ang suot kong sneakers ay regalo pa ni dad sakin noong 17th birthday ko, kaya kahit na sira-sira na, inaayos ko parin gamit ang super glue. Isa pa, wala pa rin naman akong pambili ng bago. I do have other shoes, but this one is special. That's why I always use it.
Pagdating ko sa mall, marami ngang tao, dumiretso ako sa isang remittance center na s'yang palagi kong pinagbabayaran ng bills ko. Sa apat na libong pera ko na pinagsamang kita sa pag wawaitress at pag kanta, dalawang libo nalang ang natira. Pero kahit sa apat na libo, nahihirapan parin akong pagkasyahin. Totoo ngang dadaan lang ang pera sa palad mo at agad ring aalis.
Napabuntong hininga ako at nagpatuloy nalang papuntang grocery, panay ang buntong hininga ko habang nag-grogrocery. Paano ba naman, ang mahal na ng mga bilihin. Sa palengke nalang ako bibili sa susunod.
Nang matapos ako ay halos hindi ko na gustong ibigay sa kahera ang isang libo dahil wala na itong sukli, masakit isipin na ang hirap mamuhay ngayon.
Dala-dala ang mga pinamili ko, ready na akong umuwi pero habang papalabas na sana ako ng mall ay may babaeng humarang saakin. Sa tingin ko'y isa s'yang empleyado ng isa sa mga shop dito sa mall.
"Hi ma'am, gusto n'yo po ba subukan ang bagong lip product namin? Sure po ako na bagay na bagay ito sa inyo! Tsaka may offer po kami since new release 'to, may buy 1 take 1...." Nakangiti s'yang nakatingin sa'kin. Hindi ko na nasabayan ang mga sinasabi n'ya, I looked on my right side to see my reflection on the glass window of the make-up store na kung saan pinagtratrabahuhan ng babae. I looked at myself and thought of how plain I was. Walang kolorete sa mukha, nakaponytail lang at hindi ganoon ka aya-aya ang suot pero malinis naman. I thought, maybe if I dolled up and dressed up a little, I might be pretty again like before. Like how mom used to take me to shopping and buy me pretty things. If she was here, we'd be shopping for make-up, if she was here, she'd tell me that I was beautiful so I shouldn't lose confidence.
But she's not here. I looked at the lipstick the girl was holding, I never had anything like that before. I never tried to put it on again after my 17th birthday. It was tempting, I wanted to be pretty too.
"Ma'am?" Tawag pansin ng babae saakin, I woke up from that deep thought and smiled at her politely. Hindi, Emmy, wag kang bumili, wala ka ng pera!
"No, thanks." She then politely smiled at me and left. To comfort myself, sinabi ko nalang na nagiging praktikal lang ako. Hindi ko muna kailangan ng ganon sa ngayon. I have naturally pink lips and let's just be contented with that.
![](https://img.wattpad.com/cover/242884296-288-k509078.jpg)
BINABASA MO ANG
A Silent Serenade
RomanceA Silent Serenade For a soul that wants to be alone. To survive and thrive by her own. Meeting a stranger that's going to keep her company, will her serenades be enough for the stranger to stay away or will it draw the stranger even more? By: hori_z...