Chapter 5
Take me home
"Why did you get kicked out?" Tanong ko.
"Uy, interested s'ya sakin!" Pang-aasar n'ya pa, mas nainis ako sa ngiting nakaplastada sa mukha n'ya. Inakmaan ko s'yang tutusukin ng tinidor kaya nawala rin agad ang ngiti n'ya at tumikhim.
Sumeryoso naman s'ya, "Kase, I'm not what my great father wanted me to be. Let's just say, there's this mold made for me that I can never fit in. Kahit baliin pa mga buto ko, hinding-hindi ako magkakasya doon." He sighed and leaned back. "You see, I'm different. I don't listen to what other people say. I believe in what I think is right, hindi man halata pero...mabait ako no. Tsaka, I'm happy right now. I'm free! Free as a bird." He laughed but then I felt sadness in it. Para bang dinadaan n'ya nalang sa tawa.
"Then keep doing what you want, if it makes you happy. Hindi naman masama maging masaya. Keep going." I gave him a sincere encouraging smile.
"Gusto mo 'ko no?" May panunuya sa tono n'ya kaya naman I rolled my eyes at him and inunahan s'yang umalis. Kahit kailan talaga, isisingit n'ya ang mga patutsyada n'ya.
"Uy teka lang!" Sumunod rin s'ya agad saakin.
Then my days became like that, there was always Simon. Halos dalawang linggo ko ng nakakasabay iyon. Hindi ko alam kung may iba ba s'yang mga kaibigan o wala. Ayan tuloy natsitsismis na kami, noong nag cr ako narinig ko ang ibang mga babaeng pinag-uusapan kami ni Simon. Hindi rin naman nila alam na nasa isang cubicle ako.
Sino ba naman ang hindi kami pagtsitsismisan eh palagi iyong buntot ng buntot sa'kin.
Linggo ngayon at may gig ako, madalas ay sabado ang gig ko kaso special daw kasi ngayon ang nga guest sa restobar kaya ngayon ako pinapapunta.
Bago pa man ako maka-alis ay dumating si Aling Hosing, hingal na hingal s'ya at may dalang sobre. Gabi na kaya nagtaka ako bakit s'ya nandito.
"Emilia! Teka lang! May sulat galing sa banko!" Taranta s'ya at hingal na kumapit sa braso ko. Inabot n'ya sa'kin ang sobre at binuksan ko agad iyon.
Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa, kukunin na ng banko ang bahay!? Paano to nangyari? Hindi pwede!
"A-ano ba nakasulat, Emilia?" Hingal parin na tanong ni Aling Hosing. Ako naman ay naestatwa lamang sa kinatatayuan. Kinuha ni Aling Hosing ang papel at s'ya na mismo ang bumasa roon.
"T-teka? Bakit nila kukunin ang bahay?" Tanong ni Aling Hosing, kahit gaano ko man subukan sagutin, wala akong maisagot sa kanya dahil pareho lang kami ng tanong.
Ang naalala ko ay maraming naging utang sila mommy at daddy pagkatapos ng aksidente, at inareglo na iyon ng mga abogado. Nawala samin ang lahat ng mga properties namin, mga sasakyan at nagtanggal din ng mga trabahante, pati ang kompanya ay ibenenta. Sa pagkaka-alala ko ay hindi kasama ang bahay. Maraming nawala saamin.
Bumalik lahat ulit saakin ang lahat.
I remember how Aling Hosing stormed in my room, holding her phone with her shaking hands and teary eyes. Nag-aaral ako noon kaya sana ay sasabihin ko sa kanya na wag muna ako estorbohin, kaso nang makita ko ang ekspresyon n'ya ay nawala iyon sa isip ko.
"Aling Hosing? B-bakit po?" Nanginginig ang labi n'yang lumapit saakin at inabot ang telepono n'ya.
Kinuha ko iyon ta sinagot, "Hello?"
"Emilia? This is Atty. Fortunato,"
"B-bakit po?"
"Your father and mother has met an unfortunate accident while on their travel to Singapore. The cargo ship they had boarded had sunk, I'm sorry to inform you this but... they're gone." My heart sank right at that moment, me life flashed before my eyes. I saw my parents faces in my mind, just how can I go on without them? This can't be real!
![](https://img.wattpad.com/cover/242884296-288-k509078.jpg)
BINABASA MO ANG
A Silent Serenade
RomanceA Silent Serenade For a soul that wants to be alone. To survive and thrive by her own. Meeting a stranger that's going to keep her company, will her serenades be enough for the stranger to stay away or will it draw the stranger even more? By: hori_z...